LIKE US ON FACEBOOK160K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

WATCH: Sunog Sa Musliman Sa Evangelista Kaninang Umaga | Batangas City, May 13, 2015

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Batangas City Fire, Evangelista Street…

Kasalukuyang kumakalat sa Facebook ang videong areh ng sunog  na nakunan ng ating Kabatang na si Aryan Gerald Villena kaninang umaga sa Lumang Palingke.

Kalunos-lunos ang naging sunog na areh sa kantuhan ng D. Silang at Evangelista Street. Makikita sa video (link) sa ibaba ang paglagablab ng apoy sa unang palapag ng gusali kun saan nakapwesto ang mga negosyo ng ating mga kababayang Muslim dine sa parteng areh ng bayan.

Matatandaan na ang lugar na areh ay kilala sa tawag na “Musliman” (no pun/racial/religious slur intended) na kilalang pwesto ng negosyo ng ating mga kapatid na negosyanteng Muslim para sa mga murang panindang cellphone accessories, mga sapatos at marami pang iba.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng BFP Batangas City ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang kabuuang halagang natupok nito.

Batangas City news updates

Samantala, nagpakita ng simpatiya sa social media ang ating mga Kabatang sa mga kapatid nating negosyanteng Muslim na nasunugan. Madami pa namang mga Kabatang na suki dito ng mga housing ng cellphone, screen protector, cellphone repair at kung anu-ano pang mga phone accessories na kalimitang mabibili laang sa lugar na ito sa murang halaga. Tsss… 🙁

Watch video of Batangas City Fire Evangelista Street on this link

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *