LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

Mga HINDI Naituro Sa Iskul Para Sa Mga Jeepney Drayber At Pasahero Dine Sa Atin Sa Batangas: Saan Ka Relate Dine?

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook243Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Madaming sablay na eksenang nangyayari sa loob ng jeep. Nakakainis pero no-choice tayo dahil tayo’y pare-pareho laang na mga dakilang commuters. Are ho ay guidelines para sa mga drayber at mga pasahero para sa isang masaya, ligtas at maluwalhating paglalakbay habang sakay ng jeep.

jeepney blues

Para sa mga Drayber

  1. Hangga’t maaari ay magsukli agad kayo sa mga nagbabayad. Tulad ng pagiging alisto ninyo sa mga nagwa-1-2-3, alisto din kami sa mga drayber na may mga panis na ugaling TAMAD magsukli agad (maliban na laang kung wala pa talagang panukli)
  2. Utang na loob, bago kayo bumyahe ay magbaon muna kayo ng maraming PANUKLI.
  3. Ugaliing maghintutuli kada ligo para hindi matawag na BINGALOT na driver.
  4. Nakikisuyo ang mga pasahero na wag maglagay ng malaking flat na bilugang ILAW sa gitna ng kisame ng dyip. Lagi itong nakakauntog sa mga nasakay at nababang pasahero. Nakakapag-ulagain daw ang malimit na pag-untog dito.
  5. Pababain ang mga BADJAO na malimit ay nangungulit sa mga pasahero. Perwisyo pa sa inyo pag nalaglag ang mga ito sa kakasabit.
  6. Sa mga pila ng jeep, wag ninyong ipagpilitan na pang-SAMPUAN ang inyong jeep. Tandaan ninyo na kahit ginawang pangsampuan (na pasahero) ang p*tanginang jeep ninyo ay hindi laging magkakasya ang sampuang pasahero. Hindi lahat ng pasahero ay nilikhang slim ang katawan.
  7. Pausap ng mga mananakay na mahilig maupo sa unahan sa tabi ng drayber. Magdeodorant daw kayu lagi o kaya ay MAGTAWAS. Para hindi nakakamatay maupo sa tabi ninyo.
  8. Wag magpatakbo ng sobrang TULIN na parang may pagat-pagat na kung ano. Hindi ho kami laging nagmamadali.
  9. Utang na loob, wag nyo sanang isabay ang PAGPAPAKARGA ng gas kapag rush hour. Ang tindeh ninyong tumayming magpa-gas. Laging sumasakto kung kailan pa kami ay late na late na. Pideh namang sa mga patay na oras kayo magpagasolina. Pausap na.
  10. Isa pa, yung rush hour tas may nadaanang tropa si manong driver at nakipaghuntahan pa nang wagas. Aba ay parang walang kargang mga nagmamadaling pasahero si manong ay!
  11. Mag-focus sa pagdadrive, hindi yung kung anu-ano ang iniintindi i.e. PAGTETEXT sa syota, pagkalikot ng stereo o dvd player, pag-ispat sa mga tsiks na nadadaanan, etc… Pag naaksidente tayo ay may tag-iisa kang sampiga sa amin.
  12. Naiintindihan namin na kailangan ninyo ng madaming pasahero para kumita. Naiintindihan namin na kailangan ninyong tumigil sa bawat kantong dadaanan. Pero usap na namin ho areh, wag naman sanang mag-in in, yung subrang tagal sa bawat kantung madadaanan.
  13. Lastly, areh ay panawagan ng mga kabayan nating may sariling sasakyan na marunong maghintay pag trapik. Ang pag-overtake at pag-counter flow ng mga jeepney driver sa karsada kapag trapik ay para na ding pag-singit sa mga nakapila papuntang CR; at lahat tayo e ihing-ihi na.

Also READ: Most Affordable Catering Services In Batangas City

Para sa mga Pasahero

jeepney philippines etiquettes
Nag-effort pa si Ka Adovinio “Binyong” Abril ng Sta. Rita para ipaalala ang mahalagang bagay na ito…
  1.  Pag nasa bayan, ay ugaliing PUMARA ng “sa babaan lang po”… Hindi kagaya sa mga lugar na pa-bukid at bundok na kahit saan ay pideng bumaba, may sadyang babaan ho sa mga bayan. Wag magalit kung hindi sa mismong tapat ng pupuntahan ka ibinaba ng pobreng drayber. Pag nahuli ang mga yan ng TDRO, lugi pa sa pantubos ng lisensya.
  2. Kapag magpapa-abot ng bayad sa KAPWA pasahero, sabihin ang “makikisuyo/makikiabot po ng pamasahe”. Hindi yung garapal na “bayad po”, na parang basta kana laang nag-abot. Maging magalang at magiliw sa kapwa pasahero.
  3. Maging alisto sa pagaabot ng bayad ng kapwa pasahero. ABUTAN po tayo sa loob ng jeep. Pasuyo na.
  4. Mag-thank you sa nag-abot ng iyong bayad at sukli. Kaunting APPRECIATION naman, mga dre at mga ate.
  5. Magsabi na “huwag na po kayong o-overtake” sa driver pag malapit nang bumaba/pumara. Sobrang delikadong huminto ang jeep sa kasagsagan ng pag-overtake. Baka madisgrasya ang jeep at dinamay mo pa kami sa KAUNGASAN mo sa pagpara.
  6. IWASANG mag-abot ng bayad kapag alam na nag-mamaneobra ang driver. Mahirap magpawis-stirring kapag isang kamay ang gamit. Baka mataranta ang driver ay mabangga pa tayo.
  7. Ihanda ang pamasahe BAGO sumakay ng jeep.
  8. Sa mga mag-syota, iwasan ang masyadong PDA sa loob ng jeep. Nakakarumi kayong tingnan lalo na pag pareho kayong panget.
  9. Sa may “SHED”, hindi sa may “shade”. Kung ayaw ng shed, ay sabihin na laang ay sa may intayang may bubong.
  10. HUWAG tititigan ang mga kapwa pasahero. Mas ayos pang mag-umisan nalaang kayo sa isa’t isa or magpeace be with you..
  11. Wag makipagtitigan sa pasaherong NAKASHADES, magmumukha kang tanga.
  12. Hindi agad-agad natigil ang jeep sa ISANG yapakan ng preno. Maghintay na tumigil. Hintaying magfull-stop ito bago ka umalapaw ng pagbaba sa jeep. Wag magalit kung hindi sa mismong tapat ng bababaan ang saktong tinigilan ng jeep.
  13. Sa mga namaraka sa palingke, IWASANG tumagas ang mga dugo ng isda sa sahig ng jeep lalo na pag hwebesan at tulingan pa ang nabili. Pausap na sa mga namamalingke para maiwasang amoy-niregla ang jeep.
  14. Pagkababa ng jeep ay huwag agad tatabi sa SIDEWALK. I-check muna kung may mga ungas na naka-motorsiklong parating na nanganganan sa daan.
  15. Iwasang ANTUKIN sa byahe. Mahirap nang magtukake sa loob ng jeep, yung palanding-landing ang ulo sa balikat ng mga katabi. Nakakalungkot kang tingnan, pramis. Mainam na magbaon ng Sting o Cobra kung puyat.
  16. Tingnan o sulyapan ang inupuan bago bumaba, para maiwasang may MAIWAN sa jeep.
  17. Huwag magdaydream habang sakay ng jeep baka MAKALAMPAS ka at kung saan pa ng marating.

Sana’y may napulot tayong mga gintong-butil ng kaalaman mula sa nasulat naming areh. Areh naman ho’y mga suhestyon laang, mga guidelines. Dipende na sa iyong pag-uugali at asal kung iyong susundin ang mga areh. Gayunpaman, sana’y makaugalian na nating mag-umisan po tayo sa jeep. Yung umis pala-kaibigan. Hindi yung umis aso.

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook243Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0
4 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *