LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

Top Universities In Batangas, Philippines | Ang Napiling School Mo Ga Ay Pasok Dine???

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Top Universities In Batangas Philippines? Kung tutuusin naman ay hindi na tuong kailangang mag-Maynila kung magaling na iskul sa kolehiyo din laang ang gusto. Madami din tayong ika nga ay “top universities” in Batangas (Philippines)…

Bukod sa delikadong magpaaral sa Maynila dahil sa kaliwa’t kanang mga adik, mamamatay-tao, magnanakaw at mga manyakol na naglipana sa Metro Manila, ay may kamahalan pa ang pagpapaaral duon i.e. boarding house, tuition, pang-MOA ni utoy at ni ineng, pangkain, baon, pamasahe at kung anu-ano pang perks para mabuhay ka nang disente.

Tayu’y nagsaliksik ng kaunti sa Internet tungkol sa mga magagaling na kolehiyo dine sa atin sa Batangas na tunay kang nakikipagtunggalian sa mga kilalang iskol sa Maynila at iba pang sikat na syudad sa buong bansa.

Areh ang mga “Top Universities” in Batangas, Philippines!

Note: Ang mga datos na ito mula sa isang website ay nakabase sa 3-4 board exams sa  nakalipas na 2-3 taon. At ako’y nagkang-aantok mai-compile laang ang mga infong areh sa ibaba tas kokopyahin din laang ng ibang blog, tsk-tsk! Dafuq, dre…

At dipinde sa kursong gustong kuhanin sa kolehiyo, areng mga iskol sa Batangas na areh sa ibaba ang mga namamayagpag sa mga board licensure exams:

  1. Accountancy – schools with more than 50 examinees: De La Salle Lipa/DLSL (Lipa City, top 28), First Asia Institute of Humanities and Technology/FAITH (Tanauan City, top 39), Batangas State University/BSU (Batangas City, top 41); schools with less than 50 examinees — LPU-Batangas (Batangas City, top 9)
  2. Architecture – BSU (top 16)
  3. Civil Engineering – University of Batangas/UB (Batangas City, top 7), BSU (top 29)
  4. Criminology – schools with more than 50 examinees: BSU (top 15), Lipa City Colleges/LCC (Lipa City, top 28); schools with less than 50 examinees — Westmead International School/WIS (Batangas City, top 1), FAITH (Tanauan City, top 32)
  5. Customs Administration – with more than 20 examinees: Batangas State University/BSU (Batangas City, top 2), LPU-Batangas (Batangas City, top 11); with less than 20 examinees — WIS (Batangas City, top 1)
  6. Electrical Engineering – with more than 50 examinees: UB (Batangas City, top 1), BSU (Batangas City, top 6); with less than 50 examinees — DLSL (Lipa City, top 26)
  7. Electronics and Communications Engineering – with more than 50 examinees: BSU (Batangas City, top 23), DLSL (Lipa City, top 24); with less than 50 examinees — UB (Batangas City, top 2), LPU-Batangas (Batangas City, top 6)
  8. Elementary Education Teacher – with more than 50 examinees: (may top 69 schools at wala ni isang Batangas school na pumasok, hmmm… bakit kaya?); with less than 50 examinees — DLSL (Lipa City, top 19), Saint Bridget College/SBC (Batangas City, top 22), WIS (Batangas City, top 55)
  9. Interior Design – with less than 50 examinees: BSU (Batangas City, top 4)
  10. Mechanical Engineering – with more than 50 examinees: BSU (Batangas City, top 1), UB (Batangas City, top 11); with less than 50 examinees – LPU Batangas (Batangas City, top 1), WIS (Batangas City, top 12)
  11. Midwifery – with less than 50 examinees: DMMC Institute of Health Sciences (Tanauan City, top 8)
  12. Medical Technology – LPU Batangas (Batangas City, top 17)
  13. Nursing – with more than 50 examinees: FAITH (Tanauan City, top 61); with less than 50 examinees — BSU (Batangas City, top 18)
  14. Physical Therapy – with less than 50 examinees: LPU Batangas (Batangas City, top 1)
  15. Psychometricians – with less than 50 examinees: FAITH (Tanauan City, rank 16), LPU Batangas (Batangas City, top 35)
  16. Radiologic Technology – with less than 50 examinees: DMMC Institute of Health Sciences (Tanauan City, top 5)
  17. Secondary Education Teacher – with more than 50 examinees: DLSL (Lipa City, top 9), Saint Bridget College/SBC (Batangas City, top 36); with less than 50 examinees — Oblates of St. Joseph College Seminary (Lipa City, top 41), FAITH (top 44)
  18. Social Work – Saint Bridget College/SBC (Batangas City, top 8)

(Source: Finduniversity.ph)

Batangas Colleges and Universities: Lyamado Ga Areh Sa Iba?

Uwo nga at kalimitan ay may malaking bearing ang pangalan pag naka-Manila skewl ka. Pero isipin mo areh, sa palagay mo ga’y hanggang pangalan na laang ang pinagbabasehan ng mga kumpanya???

Kung ikaw ay isang employer, di ga ika’y magsasaliksik kung ayus pa din ang performance nareng iskol na areh. Kung areh ga’y nagpeperform pa o baka areng iskol na arey naglason na at sa basketbol laang magaling (no pun intended). At sa pagsusuring iyon ng mga kumpanya ay makikita’t makikita nila na aba’y matitindi nga pala ang mga iskol sa Batangas! Nilalampaso padin ang majority ng mga iskol sa buong Pinas, kahit yung mga higante’t sikat na iskol sa Metro Manila. Paano ga nga namay may dugong barako pag dine sa atin sa Batangas! 😀

Para sa mga magulang, siguro namay alam mo na ngay on kung saan magandang magpaaral ng anak dine sa atin sa Batangas… at kung alin-alin dine sa ating mga top universities in Batangas (Philippines) ang pinakamahusay para sa mga kursong pipiliin ng inyong mga anak! Ang payo namin:

Pag-aralan at suriing maigi ang tamang iskol at tamang kurso para sa isang highly-competitive na pagkokolehiyo!

PS: Kung ang trip mong kurso ay may board exam at hindi mo nakita sa listahan sa itaas, ibig sabihin ay walang matinong iskol sa Batangas ang nakakapag-offer nuon. Makipagsapalaran kana laang sa Maynila kung sobrang gusto mo talaga o kaya’y kumuha kana laang ng ibang kurso. Piliing maigi ang kurso at iskul na papasukan para hindi masayang ang perang ipangmamatrikula kung sa pulpol na iskol din laang papasok! 😀

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *