LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

TINGLOY: Masasa Beach, Batangas… Ala Eh Ayus Na Ayos Dine!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook3.4kShare on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Ala eh, ano ga daw tuong pinagkakaguluhan dini sa dalampasigang areh sa isla ng Tingloy? Aba’y may white sand daw dini eh at pagkakagara nga naman daw talaga dini! Mga Kabatang, ating alamin kung anong mayruon dini sa beach na areh na talagang dinadayo pa ng mga taga-ibang lugar na matatagpuan sa tahimik na bayan at isla ng ng Tingloy, Batangas…

Masasa Beach (Tingloy, Batangas)

Hindi maikakailang madami pa ding nakatagong lugar pasyalan sa ating lalawigan na hindi pa lubos na nadidiskubre ng mga turista at hindi pa naaabot ng komersyalisasyon kung kaya’t aring Masasa Beach ay naging matunog sa mga naghahanap ng adventure.

Ang Masasa Beach ay matatagpuan sa Brgy. San Juan sa bayan (isla) ng Tingloy, Batangas. Para makarating ka ng Tingloy ay kailangan mong magbangka mula sa maaling pier ng Anilao o Talaga (Anilao/Talaga Ports) na sakop ng Mabini, Batangas. P65 laang ang pamasahe mula sa mga ports na areh papunta sa pier ng Tingloy. At mula sa pier ng Tingloy ay magtatraysikel ka papuntang Masasa Beach sa halagang P20 kada pasahero. Ibababa ka ng traysikel sa Brgy. San Juan kung saan kailangan mong lakarin papuntang dalampasigan ng Masasa. May madadaanan kang mga kabahayan dini, pati palayan hanggang sa matan-aw mo na ang hilera ng mga niyog na siyang senyales na malapit ka na sa beach ng Masasa.

Sa mga hindi nakakaalam, ang Masasa Beach ay isang pampublikong beach na walang mga beach resort at hotel na pideng tuluyan tulad ng mga nasa Laiya, Matabungkay at Nonong Casto (sa Lemery). Camping-style dini sa Masasa kaya kung gusto mong mag-overnight ay kinakailangang magdala ng mga tents at matutulugan. Mas mabuti ring magdala ng sariling stocks ng mga pagkain at kung anu pang anik-anik na kakailanganin sa overnight stay sa isla tulad ng tubig, tissue paper, garbage bags, first-aid kit at iba pa.

Areh ang isa sa mga naging viral post sa Facebook ng isang social media travel blogger na nagngangalang Laine Villegas tungkol sa Masasa Beach:

A DIY Travel Guide of Masasa Beach Getaway.
Please read the caption for more details. 🙂

How to get there?

1. Ride bus bound to Batangas Grand Terminal:
A. Alps in Cubao – Fare is around Php 180
B. DLTB in Buendia – Fare is around Php 160 – Php 170
C. Jam Liner in Buendia – Fare is around Php 160 – Php 170

2. Ride Jeep from Batangas Grand Terminal to Anilao Port / Talaga Port – Php 40

3. Ride passenger boat from Anilao Port / Talaga Port to Tingloy Port – Php 65

***Schedule:
First boat leaves at 9AM and the last trip would be up until 5pm.
NOTE: There are times that last trip is only until 3pm so it is best to arrive before 3pm to make sure you wouldn’t miss the boat.

4. Ride tricycle from Tingloy Port to Masasa Beach – Php 20 per head

—————————————————-

Going back to Anilao/Talaga Port:

From Masasa Beach, you may ask Nanay Rosie for schedule of boats returning to Anilao or Talaga Port as it will pick you up directly from the beach instead of going up hill to Tingloy Port. There is no definite time so you really have to coordinate with Nanay Rosie. (Usual trips are 9AM, 1PM and 3PM)

NOTE: If you missed the boat from Masasa Beach, you may go back to Tingloy Port instead. Schedule: 6AM, 7AM, 8AM 9AM and 3PM

Contact Persons:

1. Nanay Rosie:
Smart: (0919)686-4368 or Globe: (0995)986-3780
2. Ate Marie: (0930)751-7098

————————————————–

Where to Stay?

Option A:
Nanay Rosie offers Kubo Accommodation for Php 250 per night per head.

Inclusions:
24 hour Water Access
Toilet and Bath
Kitchen use (Utensils and Stove) – just bring your own food and ingredients.
Electricity (From 12nn to 12 mn)

***All kubo are good for sharing but there are rooms that you can rent for privacy.
***There is no resort on the beach so capacity for each kubo is very limited. Plan Ahead and contact Nanay Rosie or Ate Marie (Above) for reservations.

Option B:
For a more castaway vibes, you may BRING YOUR OWN TENT, and yes! Pitching a tent is absolutely FREE!!!

***No public toilet on the beach but local residents offers T&B usage:
Php 25 Bath
Php 10 Toilet

***Nearby store is also available. They sell basic goods and alcoholic beverages.
***Curfew on the island is at 11PM.

————————————————–

What are the activities?

Snorkeling and free diving
Strike a pose at Hagdang Bato
Swim at the Lagoon
Explore the huge Rock Formations
Hike up Mag-asawang Bato
Beach Bumming
Bonfire and Star Gazing

Estimated Safe Budget: Php 1000 per person
Estimated Travel Time from Manila: 4 hours

Remember: “Responsible travel is not only better for our world, it’s also more interesting and memorable. Responsible tourism is the future of travel. “

Feel free to share it. Enjoy!!!

 

Samantala, areh naman ang ilan sa mga naibahaging larawan sa Facebook ni Maricel Sawali Bisa:

 

Areh pa ang isang larawan mula sa Facebook page na Life Adventure Philippines.

 

Samantala, ibabahagi nadin namin sa artikulong areh ang isa sa pinakalatest na update hinggil sa Masasa Beach na ibinahagi ng isang social media blogger na si Ann Salas sa Facebook:

MASASA BEACH

Ang makatotohanang budget travels para sayo!
Total Expenses including Transpo & Accommodation – P892.00 (kapag sa P350/Pax ka nagstay)
P792.00 (kapag sa P250/Pax ka nagstay)
P592.00 (kapag nagcamping is life ka)
** Free entrance ‘yung beach.

Expenses:
Transportation: (PER PERSON)
▶️ Jam Transit – P175 OTW
▶️ Transit to Bauan – P10
▶️ Jeep Bauan – Anilao – P22
▶️ Anilao – Tingloy Boat – P80 > Registration Fee – P10
▶️ Tingloy to Masasa – P20

Pauwi:
▶️ Masasa to Tingloy – P20
▶️ Jeep Anilao – Transit – P40
▶️ ALPS to Cubao – P165

⛺️ – Free (bring your own)
🏡 – P250 cheapest – P350
🏊🏻 – Snorkeling – P100
🏝 – Island hopping – P1500/4Pax

🚎 How to get there (from Manila)
1. Ride a bus going to Batangas Grand Terminal (we rode Jam Transit from Kamuning, but you can also try sa Cubao area may mga rekta don going to BGT. Tell them na sa terminal ka ibaba.
2. Ride a jeep going to ANILAO PORT. Merong straight to Anilao port (P35) Pero since lumagpas kami kaya nag Bauan to Anilao pa kami.
3. Register kayo sa boat going to Tingloy – then pay P10/Pax for environmental fee. Kapag sa beach P30. Boat ride is around 1 hour, and meron lang scheds.
4. Upon arrival you’ll see Tre Bale Vista Inn, if this is not the place na pagstayan n’yo, go to Masasa via tricycle. P20/Pax
5. Walk trip to the beach!

Staycation:
🏡 Tre Bale Vista Inn
Upon arrival in Tingloy, you’ll see their signage that was embossed on a plywood, behind the wooden doors.
Meron ding groto sa likod nito. Tapos bessy, lakas pang photoshoot nung likod ng kanila! Don pa lang pwede ka ng magswimming!!

Cheapest is P250/Person. We stayed in a room na P350/Person, the owner is kind enough to give us a discount, so we only paid for P280/Person
✔️ They have electricity, pero minsan nawawala kapag may problem sa generator.
✔️ Comfort rooms with shower rooms. (2 for pooping and 1 for shower) Super linis!!
✔️ You can bring your own food for cooking, may P200 fee pag makikiluto.
✔️ May dishwashing area na pwede kang manghiram ng utensils, so kahit wag ka na magdala. Plates, spoon and fork, cups and mugs.
📲 Contact them:
Mikki Sison – 0917.922.1088 (Please tell them sakin mo nakuha contact number. 😁)

⛺️ Camping in Masasa
Bring your own tent, then its for free. Rent one for P200 good for 2 pax, 3 pax is P300 and so on. You can rent one sa pinakahuling store sa trail pababa ng masasa. They also sell halo halo there.

Torn between Camping or Renting a place? Here’s something to help you decide.

Pros of Renting a place in Tre Bale Vista Inn
+ Possible na may kuryente
+ May liguan na sobrang linis at libre. Warm water din ‘yung nasa shower kaya masarap maligo.
+ Makikita mo pag paalis na ‘yung bangka
+ May lutuan na.
+ May kamang masarap tulugan
+ Mainit na tubig para sa kape

🏝What to do, Where to go:
Upon arrival in Masasa beach, the white sand beach will greet at you a good day. Super white ng sand, but not pearl white. Meron ding mga boats don na mag ooffer ng island hopping (1500 for 4 persons) or snorkeling na ddalin kayo sa malalim na part – P100/Person

Check out the whole island.
Left Part – more beach, mas konting tao. Best for camping sites. May kweba rin dito 🙂
Right part – more beach, rock formations, lagoon, and I think meron din don for trekking. Nandito din ung Nanay Rosie’s accommodation.
Alam mo ‘yung feeling na nag oorgasm ka? Tuwing maglalakad ka, masasabi mo lang talaga “SHET!!” Kasi SHET BES SOBRANG GANDA!!

Batangas Lomi – this is a MUST TRY!!
Pagbaba n’yong tric sa papuntang Masasa, may malit na tindahan don, nagtitinda silang lomi. Pucha! Itry mo ‘to. P40 mo dadalhin ka sa langit sa sarap!! Sobrang daming chicharon, itlog at hotdog. Tapos ‘yung lomi nila, panalo!!

🏊🏻 WHAT TO BRING:
1. Towels, toothbrush, toothpaste, soap, shampoo and conditioner.
2. Camera for selfie addicts like me.
3. Tent – kahit may accommodation kayo, mas okay magtent sa beach, super nice ng place maeenjoy mo, at least may iiwan ka ng gamit.
4. Sunblock or sunscreens – para sa sunkissed skin at hindi ka masunog ng sobra.
5. Shades, goggles, snorkels – Feel the beach! Dive in! Promise andaming isdaaaa!!!
6. Slippers or shoe that is suited for long walks
7. Cap or Hats
8. Speaker – para kabog ang camping nyo ni bes.
9. Flashlight – walang ilaw sa gabi. As in wala! So better bring one.
10. Powerbanks – you’ll never know kelan mawawalan ng kuryente, dapat boy’s scout tayo!
11. Trash bags – Please practice the LEAVE NO TRACE when you travel. Alagaan po natin ang beach. Libre na nga eh, baka masira pa.
12. Jacket – malamig kapag medyo nakulimlim, at sa gabi malamig ng sobra!! No need for aircon bessy.
13. Umbrella – baka kasi super init, or biglang ulan, e hnd na pang basaan outfit mo.
14. Waterproof Bags – better be safe than sorry.
15. Coffee – promise magsisisi ka kapag hindi ka nakapagkape dito. Alam mo ‘yung pag gising mo, coffee by the beach ang peg. Ughh!!

Frequently Asked Questions:
1. Can I bring my car going there? Yes bes, pwede mo iwan sa port. May overnight fee parking lang na P100.
2. May mabibilan ba ng food sa isla? Meron bes. Kahit don ka na bumili. May de lata, lutong bahay, bakery, tubig, kape, milo, alak.
3. May liliguan ba kapag nag camping kami? Meron po! P10 ang unligo fee.
4. Pano kapag kailangan mag popo? Meron din po P10 ang cr.
5. Anong oras po earliest trip to Masasa?
– Bus is 7am going to Batangas
– Boat going to Tingloy is 9am.
– Latest trip po from Tingloy to port is 2:30Pm. Minsan may 4:30 pero hindi laging meron. Always ask the bangkeros.
6. Is it safe to bring my kids with me?
– Yes. Very kids friendly po ng place. May mga bata dn kami nakita about 2 years old sa beach 🙂

Salamat sa pag basa!
Follow me on ig: @jayzenna
And more details will be posted on my blog: annsalasph.blogspot.com

 

Gayunpaman, upang mapangalagaan ang kalinisan at kaayusan sa Masasa Beach ay kasalukuyan ng ipinapatupad diumano ng munisipyo ng Tingloy ang paniningil ng trenta pesos (P30) na Environmental User’s fee sa lugar simula nuong Nov. 15, 2016 ayon sa isang page ng Masasa Beach sa Facebook.

 

Sa kabila ng kasikatang areh ng Masasa Beach, hindi maiiwasan na masalaula ang likas na yamang areh ng Tingloy. Maraming netizen ang naglabas ng kanilang saluobin hinggil sa kapabayaang nagaganap sa Masasa gaya na laang ng mga basurang iniiwan ng mga turistang nagpupunta duon.

Sources: Facebook/Laine Villegas, Facebook/Life Adventure Philippines, Facebook/Masasa Beach, Facebook/Ann Salas, Instagram/@joaoaim

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook3.4kShare on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *