STO TOMAS: 51-Anyos Na Construction Worker Patay Matapos Masagasaan Sa Maharlika Highway

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Isang 51 anyos na construction worker ang namatay matapos na mabangga ng isang pampasaherong bus.

Tumatawid sa Maharlika Highway sa Barangay Sta. Anastacia, Sto. Tomas, Batangas ang biktima ng ito ay maaksidente.

Kinilala ni Sto Tomas Police Head Supt. Giovanny Emmerick A. Sibalo ang biktima bilang si Arthur Bentillo Vista, walang asawa, tubong Buenavista II, San Jorge, Western Samar ngunit kasalukuyang naninirahan sa kanilang company barracks sa Lima Technology Park, Malvar, Batangas.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang bus driver na kinilala ni Sibalo bilang si Ruel Manzinaris Paynado, 44 anyos, may asawa, taga-Barangay Magang, Daet, Camarines Norte.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya dakong 2:10 ng umaga ng Lunes ng tumatawid ang biktima sa Maharlika Highway sa Bgy. Sta. Anastacia ng ito ay masagasaan ng Isuzu passenger bus (AVA4628).

Ang bus ay nakarehistro sa F/E Twin Hearts Transportation Corp. sa Anahaw Poblacion, Camarines Norte.

Nagtamo ang biktima ng malubhang tama sa ibat ibang bahagi ng katawan ay kaagad isinugod ng mga rumespondeng miyembro ng Municipal Rescue Team sa Laurel District Hospital.

Subalit naideklara ring dead on arrival ng attending physician.(Source: Journal Online)

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *