Sinaing Na Tulingan Batangas Recipe: Sikreto Ng Pambihirang Sinaing Na Tulingan Ng Batangas!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook14.4kShare on StumbleUpon0Pin on Pinterest14Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Sinaing na Tulingan Ng Batangas

Marami nang artikulo ang naisulat tungkol sa ating maalamat na sinaing na tulingan ng Batangas. Pero iba pa din kung ang susulat ay yun talagang patay-gutom sa sinaing na tulingan na tulad ko Ha-ha!

Di kaila sa lahat na ang mga Batanguenyo ay talagang adik sa isdang ito. At ang pinakamasarap na luto at talagang classic na ay ang pagsasaing ng tulingan dito sa Batangas. Namana pa natin ito sa sa kanunu-nunuan natin… Kahit bago pa man siguro lumusob ang mga Kastila sa ilog ng Pansipit sa Taal daang libong panahon na ang nakakalipas ay nagsasaing na ng tulingan ang ating mga ninuno. Kaya naman namaster na natin ang sining ng pagsasaing ng tulingan sa panahong ito.

Tayo’y nagsaliksik sa Internet kung anu bagang mga hinahanap ng mga tawo tungkol sa sinaing na isdang ito. Samut-saring mga searches ang ating nakita tulad ng mga nasa ibaba.  Ating talakayin ng kauntik laang:

Sinaing na Tulingan without Kamias

Uu nga’t maraming pampaasim sa ating sinaing na isda tulad ng nakagawiang kalamyas at sampalok, subalit iba pa din kung ang classic na kalamyas ang gagamiting panuka (pansuka). Subalit kung wala talagang kalamyas na available o kahit yung mananakaw sa puno ng kapitbahay ay mas maiging maghanap ng sampalok yuong binilog na nasa plastic, kadalasang nabibili sa palingke. Kung walang-wala na talaga ay kahit sariwang sampalok o kaya nga ay sukang puti na mismo. Saklap! Mabuti pa siguro’y iprito mo na laang ang tulingan at mas masarap pa kung wala talagang kalamyas.

Sinaing na Tulingan in English

Hindi ko din alam. Subukan nating itranslate… Ang tulingan daw sa Ingles ay bullet tuna. Ang “sinaing”sa sinaing na kanin ay steamed rice. Ang kamias daw ay bilimbi fruit. Areh ang ating translation — Steamed bullet tuna seasoned with dried bilimbi fruits. Ayus ga? Hehe. Pero ang sabi ay braised fish daw o kaya’y braised bullet tuna. Bahala na kayo.

Sinaing na Tulingan sa Gata

Areh yuong para sa mga mahilig sa ginat an… mga tubong Bicol siguro o mahilig sa mga Bicolano foods. Sabagay likas din nga sa atin ang hilig sa pag gagat an ng mga sari-sari tulad ng labong, nangka at kung anu-ano pang pideng lagyan ng gata. Bakit nga ga hindi mo susubukang lagyan ng gata ang tulingan lalo na kung tag-tulingan (season) naman, di ga? Para maiba naman ang luto. Pihong maglalaban ang natural na alat ng isda at ang manamis-namis na lasa ng inihalong gata. Kalimitang alam namin sa garneng luto sa gata ay yuong piniritong tulingan tas igagat an. Areh sigurong tinutukoy na areh na sinaing na tulingan sa gata ay yuong nilagyan ng gata ang palyok habang isinasaing at ginagato ang tulingan.

Sinaing na Tulingan with Pork

Simple laang. Against ako dine. Sinaing na tulingan ang kinakain ko kapag gusto kong umiwas o maglie-low sa mamantika at mga unhealthy na pagkain. Para mag-detox, pang buffer sa cholesterol. Ikinakainit ng ulo ko kapag ang lalantakan kong tulingan ay yuong sinaing na may taba. Masarap na nga kung sa masarap. Ang kaso nga laang ay dapat healthy ang sinaing na tulingan natin (maliban na laang kung foodtrip talaga ang habol). Sikreto daw ng mga matatanda sa una (lalo na yung mga nasa bukid) ay ang pagkain ng gulay at mga sinaing na luto (lalo na ang isda). Di pa uso nuon ang mga prito-prito at mamantikang lutuin. Kataasan ay laging may bulanglang na gulay at sinaing na isda. Ngay on naman — nagtataka kung bakit naistroke dahil puro sinaing laang daw na isda especially tulingan, ang kinakain. Ay yuon pala’y nagbunton sa ilalim ng sinaing na tulingan ang taba ng baboy! Ay mauutas ka nga!

sinaing na tulingan picture

 

Sinaing na Tulingan Batangas Recipe

Areh na ang recipe at kaunting sikreto…

  • Ang isang sikreto ay dapat sariwang-sariwa at maayus na nalinisan ang tulingan. Yung bagong huli kaya agahan ang pagpunta sa palingke. Linisang maigi ang tulingan. Padaluyan ng tubig sa gripo. Sabunin ng Safeguard (joke laang). Siguraduhing malinis, tanggal ang hasang, dugo at mga bitu-bituka. Maging maingat sa pagtatanggal ng mga lamang-luob upang hindi pumutok ang apdo na nagpapapait sa tiyan ng tulingan.
  • Gilitan sa gitna isa-isa ang tulingan at pisain sa palad para mapalapad ang mga ito. Tradisyon na ito ng mga tagasaing ng tulingan. Una para mas madaming mailagay sa palyok. Pangalawa, sa di malamang kadahilanan, ay mas yummy itong kainin kung may gilit at pisak.
  • Asnan ang isda. Ang gamiting pampaalat ay rock salt yuong tradisyunal na nabibili sa palingke na tinatakal. Wag gagamit ng powder salt o kung anu mang mga hindi normal o abnormal na asin. Mas mainam gamitin yung pinakanatural, yung straight kinuha mula sa dagat at madumi-dumi may buhangin pa hehe. Pideh ring lagyan ng vetsin pandagdag sa lasa. Magic Sarap? Wag na wag. Mas natural humalo ang lasa ng vetsin kumpara sa Magic Sarap. Tamang pampalasa laang. At wag maniniwala sa mga tsismis na masama sa katawan at nakakabobo ang vetsin. May kilala akong never nagamit ng vetsin pero hanggang ngay on ay bobo padin.
  • Isa pang sikreto. Palyok ang gagamiting lutuan o clay pot sa Ingles. Iba ang lasa ng sinaing pag sa ganitong tradisyunal na lutuan isinaing ang istah (ika nga ng mga matatanda hehe). Dapat malinis. Tas buntunan ito ng tamang dami ng tuyong kalamyas dipende sa asim na gusto mo. Saka ihalayhay ng maayos ang iyong sariwa at bagong linis na tulingan. Saka lagyan ng tubig.
  • Isa pang sikreto. Dapat ay sa kahoy ito lulutuin at hindi sa gasul o gas stove. Ang apoy galing sa kahoy o uling ay mahina laang at hindi singkad tulad ng sa stove kung kaya hindi nabibigla ang pagkakaluto ng isda. Mas mahina ang apoy, mas mainam. Kung pideh nga laang ay maghapon mong isaing ang tulingan para gatung-gato. Wala ka nang itatapon kahit ulo at tinik sa sobrang gato. Halos matunaw na sa bibig mo ang istah! Ay pagkakasarap niyon! Kain lahat, agwanta ang pusa sa kalamyas!
  • Gaya ng nabanggit, mas OK kung mas matagal mong isasaing ang tulingan. Lagyan ng tubig ulit pag paubos na ang sabaw. Ulit-ulitin laang hanggang sa magato mo ang tulingan sa nais na pagkagato. Huwag magalala, kahit tubigan mo ng tubigan ay magiging malasa padin ang ginagato mong tulingan. Pramis.
  • Last but definitely not the least secret, mga Kabayan. Kailangan ang tulingan mong isasaing ay huli sa dagat ng Batangas, lalo na yaong mga nasa bandang Lobo, Pinamukan (Batangas City) at Balayan. Sa di malamang kadahilanan ay ibang klase ang tulingang Batangas kumpara sa mga tulingang huli sa ibang bayan gaya ng mga tinatawag na tulingang Mindoro or yung tulingang Japayuki na imported from Japan (sabi ng Inay). Mas malasa at malinamnam kainin ang tulingang Batangas.

Ang ibinahagi ko hong recipeng areh ay base sa mga nakapanayam kong nagtitinda ng sinaing na tulingan sa Lobo at Lemery, sa Inay at sa isang palabas sa telebisyon na nagfeature din sa sinaing na tulingan ng Batangas. Hindi ho ako eksperto pero pideh ninyo akong tawaging Boy Tulingan. Bata pa ho ako’y mahilig na ako sa isda at tulingan ang isa sa pinakapaborito ko. Salamat nadin sa aking ina na pinalaki ako sa isda hehe Paminsan-minsan nama’y natikim din ng karne. Pero mas gusto ko 6 days isda, 1 day karne. Adik lungs.

Mabuhay ang sinaing na tulingan ng Batangas! 😀

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook14.4kShare on StumbleUpon0Pin on Pinterest14Share on LinkedIn0Share on Reddit0

6 thoughts on “Sinaing Na Tulingan Batangas Recipe: Sikreto Ng Pambihirang Sinaing Na Tulingan Ng Batangas!

  1. Hi. Tuwang tuwa ako sa article mo. Noong una, HATE NA HATE ko ang Sinaing na Tulingan. Ubod ng lansa at ang pangit ng itchura! Blech!
    Bilang dugong kapampangan, may pride ako na wala nang mas sasarap pa sa luto mula sa lugar namin. Subalit nang makapangasawa ako ng batangenyo, pinakilala niya sa akin ang mga luto ng mahal niyang lola na mula sa Tanawan. Grabe pala, pag pinirito ang sinaing na tulingan. GRABE! Sobrang sarap! Tostado. Kanin. Sawsawan. Kinakamay. Juskopo!

    Mula noon, sobrang convert nako. Ngayon, pinagpipilitan ko nang may Batanggenya blood ako (kahit wala naman talaga!) by virtue of being the wife of a Batangenyo! haha!

    Ang masasabi ko lang ay ganito: Napaka underrated ng pagkaing batanggas. Napaka simple, pero grabe! Napaka honest ng mga pagkain niyo at sobrang tagos sa kaluluwa.
    Seryosong soul food sila lahat! Mula sa Bulalo na walang masyadong rekado, hanggang dito na nga sa napaka humble na tulingan. Ibang klase ang lebel ng respeto ko ngayon sa mga luto mula sa inyong lalawigan. Mula noon, tinigilan ko na ang pag-bababa sa mga pagkaing di galing sa Pampanga. Lahat, basta Pinoy food, dapat ipag malaki at huwag mahiyang ipatikim sa kahit sino! Wag mahiya.

    Salamat sa pag-share. Balang araw, makaka-gawa din ako nito. Yung tinatawag ng asawa kong “Tapang Taal” na lang ang kelangan kong aralin! heheheh. Cheers!

  2. Nakakataba ng pusong makabasa ng ganitong appreciation sa pagkaing-Batangas mula sa isang mommy na galing pa sa Culinary Capital ng Pilipinas 🙂 Saludo po ako sa food culture ng Pampanga, di maikukumpara ang aming culinary eklavu pero salamat at naappreciate mo ang foods namin dito na uniquely Batangas din naman 🙂 Welcome ho sa Batangas. Siguro mataba na ang asawa nyo now, kasi malamang masarap kayo magluto 😀 I wish you more food discoveries to come. God bless u and your family po. Thanks a lot!

  3. Hehehe I really like your writing style. So easy flowing. As if your just talking to someone present before you or at ur side. Keep it up.

  4. Masarap talaga ang Sinaing na tulingan ng Batangas! Paborito ng asawa Ko noon pa! Laging bilin yan ng asawa Ko sa mga naluwas na kamag-anak galing Batangas. Susubukan Ko sa unang pagkakataon ang pagluluto ng sinaing na tulingan gamit ang iyong resipe at ipapatikim Ko sa mga kasama Ko sa opisina na mga ibang lahi pero mahilig sa pagkaing pinoy…at babalikan kita! Pasensya na lang ako kung walang tulingang Batangas dito sa California 😌

  5. …sa paglilinis, pilipitin ang buntot at bunutin ang malansang bagay. Malansa ho pag hindi naalis ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *