#PreValentinesHUGOT: Luha At Ligaya Over Itlog, Pizza At Hot Sauce

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook1Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

#PreValentinesHUGOT

Contributed by: Ms. Garlicbutterbread

valentines batangas

Hinawakan ko ang mukha ko na mejo oily. Natuyo na kasi yung iba kong pimples kaya ready to attack na naman ang mga kamay ko. Ouchy. Sakit! Dumugo. Namula ang pisngi ko. Ayaw tumigil sa pagdugo. Lalong nahalata na napapadami na ang crush ko. O talagang prone lang ang face ko sa pimples. Badtrip.

__________

Nagiisip ako. Wag kang magulo. Kailangan ko ng fresh air para liparin ang utak ko sa katotohanan. Katotohanan na hindi lahat ng gusto mo ay mapapasa’yo. Na hindi lahat ng gusto ko ay mapapasa-akin. Sinubukan ko syang habulin before, (insert background music , yung pang slow-motion ang dating **instrumental**) Gusto kong mag explain. Gusto kong sabihin sa kanya kung bakit ako nawala.

Subalit hindi niya ako maintindihan. Ayaw nya akong pakinggan. Ganun ba talaga kayong mga babae? Bakit ayaw nyong pakinggan ang mga explanation namin? Masama bang mag-explain? Masamang sabihin ang side namin?
OO. Naging mahina ako. Inaamin ko yun pero it doesn’t mean na mahina na ako kahit kelan. Bwisit.

__________

Minsan naisip ko. Na mapagod na lang magmahal. Nakakapagod mahalin kayong mga babae. Hindi pa ba sapat na bitbitin namin lahat ng kaartehan ninyo. Ihahatid kayo sa sakayan ng jeep. Hihintaying mapuno bago kami umalis. Susulyap pa ng isa, sabay-kaway na may kasama pang matamis na ngiti. Pagka-sibat ng sinasakyang jeep mo e magbi-beep agad ang phone mo. “Ingat babes. Miss you agad.” Kitams, wala pang 5 seconds miss na namin kayo agad? Tas kahit matigas ang katawan namin, nagawa namin kayong sayawan ng Careless Whisper ala Hayden Kho. Hindi pa ba sapat yun? Kulang pa ba na samahan namin kayo sa panonood ng mga sine ni Kathy Garcia-Molina at kung anu-ano pang mga kaechosan na pinoy movie na predictable naman ang ending? Kelan ninyo kami huling sinamahan manood ng latest The Expandables o kaya ay kahit Taken lang? Kelan? Nasaan ang hustisya? Gusto ko lang i-point out! Madami din naman kaming nagawa para sa inyo (chill 😀 hindi ako nanunumbat ah, nagke-kwentuhan lang tayo.)

Balik-reality. Sinubukan ko pa din mag-explain sa kanya ng madaming beses. Ang siste, sisimulan ko pa lang magsalita pero ipinaparamdam na agad nya sa akin na huwag na lang. Parang ganito ang gusto niyang sabihin — “Tama na. Please! Huwag ka ng magsayang ng oras para magpaliwanag. Naka move on na ako sayo. Tapos na tayo. Wala nang tayo. Kalimutan mo na ako.” –Zombie walk— Ako na si Rrrr ng “Warm Bodies-The Movie.” Grabe ang naging eye bags ko kapupuyat sa saklap ng nangyari. Hindi nagtagal naging kakulay ko na nga din si Rrrr. Muka na akong Zombie.

__________

Naisipan ko tuloy mag soul-searching effect. Narinig ko ang term na yan sa classmate ko nung college. Para daw mahanap mo ang sarili mo at makapa- isip-isip. Para kang gumagawa ng music video mo, your own version ng kantang “Changes in my Life.” Kapag humampas na sa’yo ang fresh air, kaboom! May effect na ang soul searching.
Hindi lang mga babae ang nasasaktan. Pati mga macho-gwapito, mga may 6-pack abs, mala Mr. Suave o kahit kamuka ni Empoy. Nasasaktan din kami. Inuulit ko. Nasasaktan din kami! Kahit may kasalanan kami. Inaamin naman namin di ba? Bakit? Bawal na ba ang second chance ngayon? Hayst. Hugot pa more!

Naligo ako. Baka sakali na mabawasan ang sakit kapag nabawasan ang libag sa katawan ko. Lupet ng logic. Gumawa ako ng pangalawang music video sa loob ng banyo. Nakiligo ako sa kapitbahay namin dahil may shower sila. Tropa ko ang anak. Okay. Ready na ako. Roll Camera. Action!

Sabay sandal sa pader. May pagsuntok pa akong nalalaman. Sabay nang pagpatak ng tubig mula sa magandang shower ay ang pagpatak din ng luha ko. For release na ang second music video ko. May naitutulong din naman pala ang pagiging sawi. Na-discover ko tuloy na may talent pala ako sa acting.

Nagluto ako ng almusal. Pinrito ko ang itlog sa mantikang ginamit ko kagabi na pam-prito ng isda. Pweh! Ang pangit ng lasa. Naging lasang isda ang itlog. Parang pag-ibig. Hindi mo pwedeng ipilit kung sa huli hindi rin magiging masarap. Nagluto ako ng bagong itlog gamit ang bagong mantika. Sempre, hinugasan ko rin muna ang kawali. Naging masaya ako dahil naging lasang itlog na ang itlog na niluto ko.

__________

Kahit lalaki ako, kumukinang din paminsan-minsan ang mata ko. Matapos ang ilang buwan na malungkot ang mga mata ko. Sa itlog lang pala ako ulit magiging masaya. Oh my egg! Natawa ako sa sarili ko. Hanap ako ng hanap ng malalalim na reason para maging Masaya. Pwede naman pala yung mababaw lang. Hindi kailangang gawing kumplikado ang mga bagay para lang may masabi na may pinagdadaanan ka. Parang hot sauce sa pizza. Hindi mo naman kailangang lagyan ng hot sauce ang pizza para mapatunayang tunay na lalaki ka nga. Pero sabagay, mas masarap talaga pag may hotsauce ang pizza. Gayunpaman, sana nagets nyo ang malupet na logic ko sa itlog, pizza at hot sauce.

Nagbasa ako ng libro. Ang sabe, “Life is ironic. It takes sadness to know what happiness is. Noise to appreciate silence. Absence to value presence.” Di ko agad na-gets kaya binasa ko ulit. Pero huwag mo na akong aasahan na i-translate pa sa tagalog para maintindihan mo. Malaki ka na. Naka ilang “pls. remain standing” ka na sa English subject mo dati. Ico-compare ko na lang sa pag-ibig para masaya. Ehem. Parang pag-ibig, minsan o madalas pala ay kailangan mong masaktan para lumigaya ka. Ayun! 1 point! O kaya, kailangan mong masaktan para matuto ka. 2 points! O kaya naman, kailangan mong masaktan para maging mas malakas ka. 3 points shot plus free throw! Pero seryoso, mas naappreciate ko ang buhay nung simulan kong intindihin ang lahat. Ayaw ko nang maging slow. Pagod na pagod na ako.

Unti-unting gumaganda ang patas ng mga bagay-bagay sa utak ko. Parang mga libro sa library -may numbering. Kailangan kong magsimula ulit from scratch. Bilang lalaki, may ka-dramahan din kami. Bigyan ninyo kami ng spot light para umiyak kahit papano. Ire-release ko lang lahat. Pagbigyeh na.

Nananawagan ako. Girls, sana pagbigyan ninyo kami ng second chance para magbago. O kung hindi man second chance para sa ex-girlfriend namin e new and fresh start man lang para sa bagong babae na muling magpapatibok ng aming mga puso (at ng aking puso, he-he). At dahil matured na ako, hindi ko na hahayaan ang sarili ko na maging mahina.

_________

At para sa’yo na nagpapangiti sa akin ngayon. Gagawin ko ang lahat para maiparamdam sa’yo na ikaw ang prinsesa ko, na magiging reyna ng buhay ko one day. Gagawa tayo ng pangatlong music video na tayo ang bida. Happy ending. Palalagyan ko ng hanep na shower ang magiging banyo natin. Masarap na sunny-side up na itlog ang ihahayin ko sa’yo tuwing umaga. Walang humpay na love ang ibibigay ko sa’yo matapos mo akong i-rescue, pramis.

Alam mo yung pakiramdam na… kahit mejo oily face pa din ako at nagkaka-pimple e gwapo padin daw ako sabi niya. Naks. Muling tumibok ang puso ko.

Laking pasalamat ko nakilala ko siya.

Siya si Gwen.

POWERED BY:

*Shepherd The Wedding Planner is an 11-year old seasoned wedding planner located at Don Florencio Village, Kumintang Ibaba, Batangas City (SM-bound past Batangas Floral Garden before you reach the Bridge of Promise). They are a one-stop shop service provider for your wedding needs and other events that provides the following:

  • men’s suits
  • bridal gowns
  • floral arrangement for church and entourage
  • bridal car and decoration
  • wedding banquet and reception
  • digital photo and video services
  • photobooth
  • invitation and give-aways
  • sound system with multi-media
  • balloons decor and other party favors
  • food catering service

Shepherd The Wedding Planner specialize in planning romantic Christian garden weddings. They have this charming little SHEPHERD’S EVENTS GARDEN that can accommodate more or less 260 guests, just perfect enough for your romantic Christian garden wedding!

Contact them via email, shepherd_weddplan@yahoo.com.ph. Or call them at (043) 722-2799/706-0670 and 0916-261-7581.

batangas wedding planner

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook1Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *