LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

PILIPINAS NEWS: Pabrika Ng Mga Pekeng Produkto Sa Merkado, Ni-Raid Ng BOC

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook122Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Sa pang araw-araw na ginagamit natin sa kataw-an, ay tuo ka namang kakambal na niyan na mapapagastos ka sa pagbili ng mga produkto para mapanatili laang malinis ang kataw-an at maayos ang kalusugan. Ngunit paano na laang kung ang ginagamit pala natin na pinagkakatiwalaang brand ay mga pekeng produkto.

Mabuti na laang at patuloy ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Customs(BOC) sa pagsugpo ng mga pagawaan ng mga pekeng produkto na ibinibenta sa merkado.

Patuloy ang pagsasagawa ng raid ng BOC sa pangunguna ni Customs Commissioner Nicanor E. Faeldon sa mga pabrika ng pekeng produkto. Nitong mga nagdaang araw ay isinagawa ito sa probinsya ng Bulacan.

Sumambulat sa otoridad ang mga pekeng produkto ng mga kilalang brand sa merkado tulad PALMOLIVE Shampoo, SILKA Soap, SafeGuard, SUNSILK, CREAMSILK, WD40, KATOL, GATSBY Wax, MARLBORO at kung anu-ano pa!

Tingnan ang mga larawan ng naganap na raid.

Ang mga larawan ay isang matibay na patunay ng paglabag sa Republic Act (R.A.) No. 8293 or Intellectual Property (IP) Code of the Philippines at ng RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act of 2016.

Ayon sa pamahalaan ng Bulacan ang target umano ng mga naturang pagawaan ay mga palengke at probinsya.

Kaya naman pinaaalalahanan ang lahat na maging mapanuri sa mga produktong binibili.

Customer Assistance & Response Service (BOC-Cares)
   Telephone (02) 705-6000
   Twitter @CustomsPH
   Facebook Bureau of Customs PH

 

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook122Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *