NASUGBU: 14 NPA Rebels Patay Sa Engkwentro

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook559Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

NPA SA BATANGAS: Patay sa engkwentro ang 14 na rebeldeng New People’s Army (NPA) na naganap sa Nasugbu, Batangas nitong Martes ng gabi.

Limang NPA rebels ang napatay at 2 sugatan sa Sitio Pinamuntasan, Barangay Aga. Samanatala 9 na rebelde naman ang napatay sa isa pang kahiwalay na engkwentro sa Sitio Batulao, Barangay Kaylaway, sa bayang nabanggit.

Nakatanggap umano ng ulat ang 730th Combat Group ng Philippine Air Force (PAF) at Nasugbu  Municipal Police tungkol sa presensya ng mga armadong grupo sa lugar dakong 8:30 ng gabi na kaagad namang sinagunsunan ng pwersa ng gobyerno.

Ang mga napatay na rebelde ay pinaniniwaalang mga natitirang miyembro ng grupo ng NPA sa naganap na engkwentro noong November 20, 2017 sa Barangay Utod, Nasugbu.

Sa kasamaang palad ay lima naman ang naiulat na sugatan sa panig ng gobyerno. Ang mga sugatang rebelde at sundalo ay kaagad namang isinugod sa pinakamalapit na ospital para mabigyang lunas.

Samantala narekober naman ng mga sundalo mula sa pinangyarihan ng engkwentro ang 12 matataas na kalibre ng baril.

READ MORE: BATANGAS

 

 

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook559Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *