New Bauan-San Pascual-Batangas City Access Road, Uumpisahan Na!!!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook2.1kShare on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Sisimul-an na ang konstruksyon ng New Bauan-San Pascual-Batangas City Access Road bago mag-Pasko. Ito ay ayon sa pahayag ni Deputy Speaker at Batangas 2nd District Representative Raneo Abu.

Nakapagpaglaan na umano ng initial budget na P524 Million para sa nasabing proyekto at dadagdagan pa sa mga susunod na taon hanggang sa ito ay makumpleto at magamit ng tuluyan.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa rin ang road widening sa Old Mabini-Bauan-San Pascual-Batangas City Road ng DPWH.

Ang layunin ng road widening at konstruksyon ng access road ay upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa Batangas City-Bauan National Road dahil na rin sa pagtaas ng dami ng mga sasakyan na naimpluwensyahan ng pagtaas ng bilang ng mga establisimyento at pasilidad sa lugar na kinabibilangan ng mga paaralan, industriya, pamilihan, mga lugar ng negosyo at Batangas Port.

Layunin ng proyektong ito na magbigay ng suporta sa imprastraktura sa paglago ng turismo at pagpapaunlad ng sektor ng industriya sa kahabaan ng Batangas City-Bauan at karatig lugar sa lalawigan.

New Bauan-San Pascual-Batangas City Access Road

Babagtasin ng access road ang mga lugar mula sa Barangay Balagtas, Batangas City, bayan ng San Pascual, at lalabas patungong barangay Manghinao Uno, Bauan, Batangas.

Sa isang panayam kay Cong. Abu sa Manila Bulletin, ang P400-million umano sa suma-total na 525-million allocation ay nai-bid na samantalang ang natitirang 124 million para sa 2 tulay at right of way ay nasa negotiating stage pa.

Ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang kasalukuyang nakikipagpulong sa mga land owners para sa right of way ng nabanggit na access road.

Gayunpaman, ang pagpoproseso ng mga dokumento at implementasyon ng proyekto ay naguumpisa na kasalukuyan mariing pahayag ng Deputy Speaker.

“Siguro mag-start na kami ng earthmoving before end of November (Perhaps, we could start with the earthmoving before the end of November”-Cong. Abu

Inaasahan na matatapos ang proyekto sa taong 2020.(Sources: manila bulletin, dpwh.gov.ph)

 

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook2.1kShare on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *