LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

NASUGBU: Business Processor Associate Patay Matapos Malunod Habang Nasa Company Outing

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Nalunod at namatay ang isang lalake sa isang resort kamakailan habang nasa isang company outing ito.

Ang biktima ay naka-checked in umano sa Munting Buhangin Beach Camp na sa Barangay Natipuan, Nasugbu, Batangas.

Patay ang lalakeng business processor associate ng malunod ito habang nasa swimming dakong 8:00 ng gabi kamakalawa.

Kinilala ni Nasugbu Police Commander Chief Insp. Rogelio B. Pineda ang biktima bilang si Mark Angelo Jagodilla, 26 anyos, binata, business processor associate mula sa Salaoag, DasmariƱas, Cavite.

Nasugbu, Batangas. Source: IG@deilesguerra

 

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, namataan pa ng mga katrabaho niya si Jagodilla na lumalangoy malapit sa grupo ngunit sa ilang saglit ay kitang kita umano ng kasamahan nitong si Alvin Mabalot na nalulunod ang biktima dahil sa lakas ng alon.

Sinagip ng mga lokal na residente ang biktima at kaagad na isinugod sa Apacible Memorial District Hospital (AMDH).

Ngunit sa kasamaang palad ay naideklarang dead on arrival ang biktima.

Matapos ang insidente ay inilagak ang labi ng biktima sa ALS Funeral Homes sa Barangay 12 ng nabanggit na bayan.(Source: Journal Online)

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *