LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

NASUGBU: 17-Anyos Na Binatilyo Patay Matapos Malunod

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook67Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Isa pang lalake ang nalunod sa isang beach  resort sa Nasugbu, Batangas kamakailan.

Ang biktima ay isang 17 anyos na estudyante na nalunod rin habang nasa swimming.

Kinilala ni Nasugbu Police Commander Chief Insp. Rogelio B. Pineda ang biktima bilang si Mark Rustom Boliver Manzeneros, taga-Barangay Looc Azthec, Calamba City, Laguna.

Ayon kay PO1 Gerardo Barrion Visto, natagpuan ang katawan ng biktima sa dalampasigan ng Barangay Bucana, ng nabanggit na bayan.

Kuha mula sa dalampasigan ng Johndel Beach Resort. Source: IG@kaixaniceto

Ayon kay Barrion dakong 1:50 ng hapon ng huling namataan ang biktima na lumalangoy sa harap ng Johndel Beach Resort.

Maya-maya ay napansin pa umano ang biktima na humihingi ng tulong bago tuluyang maglaho sa dagat.

Kaagad na isinugod ng mga lokal na residente ang biktima sa Apacible Memorial District Hospital (AMDH).

Ngunit sa kasamaang palad ay naideklara itong dead on arrival.(Source: Journal Online)

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook67Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *