LIKE US ON FACEBOOK160K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

Mindoro-Batangas SuperBridge: Pag Nagkataon, Hindi Na Tayo Magba-Bangka Pa-Puerto!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Mindoro-Batangas Super Bridge pa-Mindoro…

Pakalat-kalat ngay on ang FB post ni Batangas Province Vice Gov Hon. Mark Leviste hinggil sa diumano’y proposed super bridge na magdudugsong sa ating lalawigan ng Batangas at ng kahanggang Mindoro.

Areh diumano ay tatawaging “Mindoro-Batangas Super Bridge” na magsisimula sa Ilijan, Batangas City (ayon sa Manila Standard Today) at lalagos sa Isla Verde at tutungo papuntang Calapan City, Oriental Mindoro.

Sa post ni Vice Gov Mark kasama ang ating magandang Gobernadora Vilma Santos, Oriental Mindoro Governor Boy Umali at ang League of Provinces President, ay kanyang inihalayhay ang mga sumusunod na impormasyon tungkol sa super bridge:

  • areh ang kauna-unahang Floating Bridge sa Asya pag nagakataon.
  • mayruon areng High Ship Passage para sa mga nadaang barko
  • nakapatong ang tulay na areh sa tinatawag na “pontoons” o pampalutang sa dagat (pideh ring tawaging timbulan subalit gadambuhala ang laki)
  • 2 lanes daw areh parang sa STAR Tollway laang dati (na ngayon ay 4 lanes na) at mayruon din daw areng pedestrian/bicycle lanes
  • ang kabuuang haba daw nareh ay 15 km (Batangas City-Verde Island: 6.5 km, Verde Island-Calapan City: 8.5 km)
  • matibay daw areh at di kayang gibain ng bagyong hindi lalakas sa 350 kph
  • nagkakahalaga ng humigit-kumulang US$ 1.2-1.8 Billion
  • construction time: 2-years
  • contract type: BOT (anung malay ko dine)
Image from Batangas Vice Gov Mark Leviste's Facebook
Image from Batangas Vice Gov Mark Leviste’s Facebook

Kow pag nagkataon ay hindi na mahihirapan ang mga taga-Batangas at Mindoro na magpauli-uli sa dalwang probinsya lalo na pag nagkayakagang magswimming sa Puerto. Saglit na laang ang byahe. Napakainam nang naisip ng mga areh.

Samantala, nauna na diumanong nagpakita ng interes ang San Miguel Corporation sa pangunguna ni President Ramon Ang, para sa konstruksyon ng dambuhalang bridge na areh, ayon kay Gov. Boy Umali (Oriental Mindoro) gaya ng naireport ng Manila Standard Today.

Ang Mindoro-Batangas Super Bridge diumano ang magiging pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Di hamak na mas mahaba daw areng tulay na areh pag nabuo kumpara sa San Juanico Bridge sa Kabisayaan.

Subalit bago tayo magbunye at mangarap tumawid sa tulay na areh, ay bumalik muna tayo sa realidad na ang ating tulay ng Calumpang, hanggang sa ngay on ay putol pa. Harinawa ay matapos na nga ang repair ng tulay na areh ngay ong Nobyembre.

Source: Facebook

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0
2 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *