LIKE US ON FACEBOOK160K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

Mga Bata At Teenager: Mag-ingat Sa Mga Kidnapper Na Naka-Van Sa Batangas!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Kidnapper vans na nandudukot ng mga bata at teenager sa Batangas…

(DISCLAIMER: Wala pang ibinibigay na opisyal na pahayag ang pulisya sa tunay na mga nangyayari kung kaya binuo na nila ang Task Force Batang Anghel upang mag-imbestiga sa mga pagkawala. Subalit hindi kaila sa atin ang video footage kamakailan ng isang puting van sa Quiapo, Manila na nagtangkang dumukot sa mga teenager subalit nagawang makatakas ng mga bata…)

Nakakapanluang ng tiyan pag nakakarinig ka ng mga garneng balita!

Diumano’y nagala na naman ang mga tinamaan ng lintsak na kidnaper na nandudukot ng mga bata at teenager dine sa atin sa Batangas. Kung dati’y haka-haka at panakot laang sa mga talubata, ngay oy nangyayari nadaw areng mga karumal-dumal na gawaing areh!

Kung nuong araw ang balita’y nagala daw ang masamang luob na kung tawagin ay “Mamumugot” na nangsasako ng bata at namumugot ng ulo bilang pampatibay diumano sa ginagawang tulay. Ang balita naman ngay oy tinatangay daw ang mga bata para katayin at ipagbili ang mga laman-luob na nagkakahalaga ng libu-libong piso.

Mayruon ding haka-haka na ginagawang batang magpapalimos daw sa Maynila ang ibang mga natatangay. Ang sa piho ng Mamay ay isang kampon ni satanas at walang-pusong sindikato ang gumagawa nareh.

Kami ho ay nangalap ng mga datos tungkol sa balitang areh at nasa ibaba ho ang aming mga nakalap sa social media:

Isang ina ang nagpost sa FB nang kanyang nawawalang anak. Sa Bauan naganap ang insidente… kasama yata areh sa ibinalita ng TV-10.

van kidnappers bauan batangas

 

Nakakapagtakang isipin na wala daw katotohanan ang post na areh ayon kay Mayor Dolor mismo, dahil wala naman mga saksi at ebidensya. Tanang si pareng Dominic Almelor pa ang nagreport sa TV Patrol. Sinu ga daw papaniwalaan?

 

Isang taga-Lyceum ang nag-post sa FB tungkol sa diumano’y pandudukot sa mga teenagers sa Batangas City at Lipa. Hindi laang pala mga bata, pati mga teenager/college student target din ng mga hinayufucks na areh…

kidnap children batangas teenagers

 

Update as of 5:30PM, Thursday via TV-10 ABS-SBN Southern Tagalog at TV Patrol, nakauwi na daw sa bahay ang 16-anyos na dalagitang BSU student, at diumano’y nakatakas areh sa mga dumukot sa kanya sa lawas. Hanggang ngay oy hindi pa daw areh makapulong dahil sa labi na takot, ayon sa pamilya.

 

Areh naman ay isang viral post ng Ka Biloy sa kanyang FB page…

“Mga kabayan….nakaka bahala na ang nagaganap na krimen dine sa atin. Ang mga pagkuha sa mga bata, ang pag kidnap sa mga batang ngay oy pinag hahanap dine sa Bauan, Batangas. Kung noo’y pabaya ninyong pagala gala ang inyong mga anak ay inyo ngay ong tutukan ng tingin, pauwiin sa basaysay at kung ayaw umuwi’y garutihin kaysa mawalang parang bula. Tutok ako dine sa tatlong batang nawawala sa Bauan, Batangas na diumano baga’y mga isinakay nga raw sa puting sasakyang katulad ng nasa litrato. Maaring maraming ginagamit na plaka ang mga sindikato o grupong nangingidnap para mailigaw ang mga maykapangyarihan para sila’y tugisin.

Hindi na ho biro arih, ang kidnapan at harapang patayan sa atin ay talamak na’t nangyayari dine araw araw. Tayo’y maging mapag matyag, tayo’y maging bidyilante, tayo’y maging mapanuri dahil lahat tayo’y may pakialam sa lipunan. Huwag tayong paka tutok sa puting Van o sasakyan dahil ito’y maaring palabas lamang ng masasamang loob, at tayo’y inililigaw sa ating kutob. Ibayong pag iingat at maging listo sa lahat ng oras para kahit papaano’y tayo’y makagawa ng hakbang pag dating ng ganitong sitwasyon. Huwag mapag tiwala…….gumawa ng ingay kung may mga tao o grupong kahina hinala ang mga kilos at galaw. Mag ingat po tayong lahat, protektahan ang pamilya……ang buhay ay mahalaga.”

white van kidnapper

 

 

 

At areh ang nakakapang-hilakbot na poster na aming naayikir dine sa FB… areh hong litrato ay midyo graphic at masakit sa mata.

kidnapper white van batangas

 

 

Karima-rimarim…

Karima-rimarim ang mga nangyayaring areh sa ating paligid ngay on. Nakakalungkot isiping dine pa sa ating lalawigan naghahasik ng lagim ang mga areh.

Samantala, mula na rin sa TV 10 Southern Tagalog (na nauna nang nagreport ng balitang ito), Gov. Vilma Santos at PNP Batangas, hanggang sa ngay on daw ay wala pa ding kaliwanagan ang isyung areh at kasalukuyang iniimbestigahan. Pinakakalma laang nila muna ang mga tawo sa social media at wag daw mapraning.

Samantala, ayon naman kay Mayor Dolor ng Bauan, sa kabila ng mga pangyayari ay wala silang makuhang mga konkretong datos na magpapatunay sa mga insidenteng areh. Maaaring areh daw ay mga taktikang paninira laang sa bayan ng Bauan.

Sa kabila ng lahat, huwag ho tayong mangarag, magwasang at magpasindak. Subalit wag din tayong magpabaya. Tayo ho ay magbantay. Lalo na ang mga kalalakihang barakong tambay sa barangay, sa mga Triskelion at mga Kulas, mga tanod, tayo ho’y magbantay. Tayo’y maging mapagmatyag at handa kung sakaling sasalakay sa ating komunidad ang mga salot na areh.

Sa mga kabataan at mga kababaihan, ang payo ng Mamay ay huwag na laang magpapagab e o kaya’y lumitar nang mag-isa lalo na sa mga madidilim at hindi ma-taong lugar. Para sa mga magulang, pausap na, huwag pabaya sa mga bata kahit nasa bahay o makalabas ng iskol.

At sa ating mga kapulisan, mga nasa munisipyo, city hall at kapitulyo? Anu ga daw balita na, sabi ng Mamay. Ayus ga laang daw kayo diyan? Ay hayblood na ang mamay… galaw-galaw din pag may time.

(Samantala, nagpatawag na ng press conference ang kapitulyo at Batangas PNP ukol dito. May binuo na daw na Task Force Batang Anghel ang kapulisan upang mag-imbestiga sa pagkawala ng mga batang areh.. maiintindihan sa banda-banda diyan kung anu nga ga talagang nangyayari.)

Ang suhestyon ng mamay ay garne na laang daw…

Baka naman mapapayagan kahit pansamantala laang, tulad nuong araw, ang mga Kabatang ay makapagsukbit ng balisong o kaya’y gulok. Nang makatikim naman ng masarap-sarap ang mga damuhong yaan.. Pihong layas ng Batangas ang mga ya-ah pag napagat ng taga dine sa atin!

Payag ga kayo, mga Batanguinyo?! Mag-iingat tayong lahat kung anu man…

Source: Facebook

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0
One Comment

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *