5 CALABARZON Mayors Stripped Of Operational Supervision And Control Over PNP

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Tinaggalan kahapon, November 07, 2017 ng operational supervision and control para sa mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) sa kani-kanilang nasasakupan ang limang mayor na mula sa CALABARZON dahil umano sa alleged involvement ng mga ito sa iligal na droga.

Kaugnay ito sa inilabas na resolusyon (Resolution 2017-570) ng National Police Commission(NAPOLCOM) alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Duterte nitong August 7, 2017 mula sa command conference sa Malacañang.

Ang resolusyon na “effective immediately” ay nilagdaan ni Department of the Interior and Local Government(DILG), Officer-in-Charge Catalino Cuy, na siyang Chairman rin ng NAPOLCOM.

Ilan sa mga alkalde na sangkot ay ang mga sumusunod:

  • Lemery, Batangas Mayor Eulalio Alilio
  • Teresa, Rizal Mayor Raul Palino
  • Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili
  • Rodriguez, Rizal Mayor Cecilio Hernandez
  • San Pablo, Laguna Mayor Loreto Amante.

Mga Larawan ng nabanggit na resolusyon mula kay Rea Mamogay twitter@dzxl558_rea

Samantala, ayon naman kay Mayor Halili hindi umano siya apektado sa biglang pagtatanggal sa kanya ng kapangyarihan sa kapulisan ngunit labis siyang nababahala sa mga paratang na sangkot umano siya sa ilegal na droga.

Narito ang ilan sa mga pahayag ni Mayor Halili sa isang panayam ng GMA News online.

“Sabi ko nga I did not lose a thing dahil hindi naman talaga ako nagko-control at nagsusupervise ng local PNP in my city kasi they are doing their job and I believe I’m not the better person to run, control, or supervise..I did not go to the police academy. Pinapabayaan ko sila”-Mayor Halili

Mariin ring itinatanggi ni Mayor Halili ang alegasyon na siya umano ay sangkot sa ilegal na droga at hindi umano niya kilala si Mayor (Cipriano) Goto Violago ng San Rafael, Bulacan kung saan siya ay nasasangkot na umanoy kasabwat sa kalakaran ng iligal na droga.

 “Based on intelligence report, which is an invented report, that I am a cohort of Mayor (Cipriano) Goto Violago of San Rafael, Bulacan”

 

“I do not personally know and haven’t met, haven’t seen him in person. I don’t know that mayor and I’m sure he does not know me personally, too. When the intelligence report is anchored on that, there is something wrong..”

 

“According to that intelligence report, I have plans to set up my own network of drug distribution in my area. Kaya, at the outset, something is wrong,” -Mayor Halili

Samantala, hindi pa nagbibigay ng pahayag sa kasalukuyan ang ilan pang mga alkaldeng nasangkot ukol sa isyung ito.(Sources: gmanetwork.com/news.abs-cbn.com)

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *