STO TOMAS: Ginebra Champion Import Justin Brownlee Gives Back To His Fans

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Naging matagumpay ang ang isinagawang Feeding and Gift giving program ni back to back PBA Governor’s Cup Champion Ginebra Import Justin Brownlee nitong nagdaang  Biyernes, November 3, 2017 sa Sto.Tomas, Batangas.

Ito ay bilang pasasalamat ng Ginebra import sa walang sawang suporta sa kanya ng mga Ginebra fans na itinuring na rin siyang kapamilya sa loob ng dalawang taon na siya namang naging dahilan rin para mapamahal siya sa mga ito.

Kasama ang kanyang pamilya at PBA agent na si Sheryl Reyes ay tinungo nila ang jampacked Sto.Tomas Municipal Gymnasium para mamigay ng mga regalo, aliw, at inspirasyon para sa kanyang mga taga-hanga.

Sa pagpasok pa lang ng gymnasium ni Brownlee ay sinalubong na siya ng ginebra chant (“Ginebra! Ginebra!”) mula sa crowd na dinaluhan ng daan-daang fans na nagmula sa bayan ng Sto Tomas, Batangas at karatig bayan.

Brownlee adopted son of #stotomasbatangas thank you #nsd #brownlee #teamreyes

A post shared by Sheryl Sanchez Reyes 🏀 (@femaleagentsr) on

Justin Brownlee nagpasalamat sa mga dumalo sa Gift giving event.

Nakatatak na sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association ang iconic 3-point shot ni Justin Brownlee noong Game 6 ng Governor’s Cup Finals sa pag-itan ng Meralco at Ginebra kung kailan tinuldukan ng import ang walong taong pagkauhaw sa kampeonato ng Ginebra sa pamamagitan ng buzzer beater 3-point shot.

Panoorin ang video sa ibaba.


At nito ngang nakaraang linggo ay muling nagkampeon ang Ginebra kontra Meralco sa kanilang rematch sa PBA Governor’s Cup 2017 Finals na kung saan umabot ang serye sa Game 7, winner-take-all.

Naging makasaysayan ito para sa PBA dahil na rin sa record breaking 54, 086 all-time-high gate attendance na nagtungo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan para mapanood ang laban. Ito rin ang kauna-unahang back-to-back titles ng Ginebra at ika-sampung kampeonato sa liga.

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *