LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

Isang Trak Ng Aswang Sa Sto. Tomas: Totoo Nga Ga Areh?

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Kumakalat ngayon ang balita na may isang trak daw ng aswang ang inilagmak sa bayan ng Sto. Tomas. At may nakita pa tayong isang piktyur (screenshot) ng text message mula sa isang kabayan na mapapaniwalain sa mga garneng usapan.

Image from Facebook
Image from Facebook

Ating limiin ng kaunti kung may katotohanan nga ga ang mga garneng usap-usapan dine sa Batangas…

Sa ating palagay, sa isang banda ito’y HINDI MAKATOTOHANAN dahil:

  • Mukhang hindi maganda ang layon ng nagtext nareh dahil kung isa siyang tunay na pulis ay dapat ipinakilala na niya ang sarili niya para mabalaan ng maayos ang mga tao mula sa mga lintiris na aswang na ito. Sa halip na makatulong ay nagpakalat pa lalo ng takot sa mga tawong walang kamalay-malay sa buhay. Datapwat, malamang ay nagpapanggap na pulis din laang ang kumag na ito.
  • Kung tunay ang text na ito ay dapat mismong prisinto ng pulis Tanauan o kaya’y istasyon ng Sto. Tomas ang nakapangalan sa text as in nakaattach pa dapat ang pangalan ng hepe sa text blast na ito. Tama gah?
  • Niresearch ho natin ang lugar na Capis sa Camarines Sur, ay wala naman hong gay-ung lugar sa Camsur. Mukang nakatsismis laang ang nagtext nareh, ay sablay pa ang address ih! Baka probinsya ng “Capiz” ang tinutukoy dineh.
  • Sinabi sa text na “Huwag magtiwala sa hindi ninyo kilala”.. Ay hindi nagpakilala ang nag-text kaya, wag ho natin “daw” dapat pagkatiwalaan ayon na mismo sa nagtext.
  • Sa tagal na ho nating nabubuhay sa mundo ay wala pa ho tayong nakitang aswang. Ultimong ang TV Patrol ay wala pading nahuling aswang sa mga report o kamera. At kahit mga pulis ay wala pa yatang nahuling aswang. Isang kalukuhan na may trak na puno ng aswang, ay baken di pa hinuli ng pulis? Ay malabo iyon. Kung mayroon man, ay pihong napagbabaril na ng mga pulis ang mga iyon.
  • Di naman sa pagbibiro ay may mga tawo hong pag madungis ay nagmumukhang aswang. Minsan nga ay iyang katabi mo ay nagmumukhang aswang din, di ga? (Dyoks laang, ha-ha!) Kaya pede nating sabihing malabo, mga parekoy.

Sa kabilang dako, ito’y mayroon pading katingot na KATOTOHANAN…

  • Masyadong mahiwaga ang mundo at may mga bagay pading hindi naiisplika ng syensya kahit na gaano pa ka-moderno areng mundo natin. Nasa iyo na kung ika’y maniniwala o hindi. Kanya-kanya na itong paniniwala.

Maaaring ito’y isang matalinong taktika laang ng pulisya o ng mga awtoridad para maging alisto ang mga tao sa gabi at syimpre para hindi na pakalat-kalat ang mga tao sa pagsapit ng dilim lalo na ang mga batang palaboy at namamalimos sa ating mga bayan-bayan, lalo na sa mga syudad.

Nakapanayam ng inyong abang-lingkod si Ginoong Ron Lozano ang news anchor ng Good Morning Balita sa Air1 Radio (91.9FM), at wala naman daw silang nasasagap na balitang ganto, sa kabila ng masugid na pagpapatrol ng kanyang mga field reporters tulad ni Ka Levi Gonzales. Ang tanging scoop na napulot ko laang mula kay pareng Ron ay ang umano’y opisyal na pahayag na pagtakbo bilang Gobernador ng Batangas ni Dong Mendoza. Aba’y ayus!

Related articles: Batangas Trending News

Gay-un pa man ay mag-ingat nalang ho tayo pag gabi, lalo na sa mga mala-aswang na ugali ng mga halang na kaluluwang kriminal dito sa ating bayan na patuloy na naghahasik ng lagim sa lipunan. Mas nakakatakot pa ho sa aswang ang mga iyan. Ibayong pag-iingat dapat at pagtulung-tulungan nadin ng mga magkakabarangay, magkakapitbahay na masugpo ang mga kubulastugang ito. Hindi naman ho masama ang mag-ingat, di ga?

PS: At kung may aswang nga, ay tiyak na magmamahal na naman ang bawang! Magiging in-demand na naman… Aba’y pag nagkaganuon ay kailangan na nating tawagin si Juan — si Juan de la Cruz, at ng mailabas na ang BAKAL NA KURUS!!! Labaseh si Coco Martin! 🙂

Also read: Manila’s favorite summer destination La Luz Batangas

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *