LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

Impyernong Trapik Sa Sta. Rita-San Pascual-Bauan Area: 20 Things Na Pwede Mong Gawin Imbes Na Maiyamot!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

(Note: Areng artikel na areh ay para sa lahat ng mga nadaan sa impyernong karsadang areh na dapat siguro’y sinisilaban na kung wala din laang magandang planong gaw-in dine, pasintabi sa mga taga-dine hayblood laang hehe)

Anu nga gang magandang gawin pag naipit ka sa mahigpit na traffic sa Sta-Rita, San Pascual at Bauan? Hmmm, magmura? Manisi ng mga inutil na pulitiko? Pahapyawan ng gulong ang paa ng TDRO? Basahin nyo areng mga sumusunod na mas mainam gawin:

  1. Mamburaot ng drayber. Interbyuhin mo. Dun ka pumwesto sa kanyang likuran (makisuyo na sa mga kapwa pasahero na lilipat ka ng upuan basta makalapit ka laang sa drayber). Magtanung-tanong tungkol sa kanyang personal life nun kabataan pa nya tulad ng kanyang lovelife, college life, sex life at kung anu-ano pa na pedeng ipamatay-oras. Itanong mo kun paano nahantong sa pagdadrayber ang kanyang buhay. Kung ito baga’y dream job nya nung grade school pa sya or ito talaga ang gusto ng kanyang mga magulang para sa kanya. Oh baka naman trip lang. Itanong din kung sinu-sinong pulitiko mula sa lokal hanggang sa nasyonal na pamahalaan ang minumura nya sa kanyang isip pag stranded sa bwakananginang trapik.
  2. Magdala ng mga babasahing nakakaaliw tulad ng mga lumang magasin at komiks. Damihan ang dala para maipamahagi sa mga kapwa pasahero. Singilan sila ng P5 para sa komiks at P10 para sa magazine. Tandaih: reading is the best hobby; it makes you a well-rounded person.
  3. Magdala ng malapad na plato at tatlong sachet ng 3-in-1 coffee. Paghiwahiwalayin mo ang tatlong sangkap ng 3-in-1 sa plato habang nasa kasagsagan ng trapik sa Sta. Rita. Sabihan ang katabi na wag malikot dahil baka matabig ang bisig mo, masyadong maselan ang ginagawa mo. Ang catch — kailangang matapos mo ang tatlong sachet pagdating ng Bauan.
  4. Titigan ng masama ang bawat pasahero. Pag may pumalag, magiging busy ka na sa isang heated argument o kaya’y suntukan hanggang Bauan. Hindi na kayo mabobore sa traffic kasi beastmode na kayo.
  5. Magpanggap na holdaper pero mabagal laang ang pagkilos mo. Hindi tulad ng sa real-life na mga holdaper na nagmamadali. Pagbantaan sila na may mangyayaring masama pag pumalag sila — in English, para walang masyadong impact. Pagdating ng Bauan, isoli mong lahat ang mga kinuha mo sa mga biktima mo at sabihing joke lang ang lahat ng nangyari kasi gusto mo may thrill at action habang stranded sa litseng trapik.
  6. Magdownload ng videoke app sa android o Apple store at ugaliing magbaon ng mini speaker at portable microphone. Magvideoke habang nasa trapik. Pede ring pagkakitaan. Maningil ng P5 kada song sa mga gustong makikanta. Inggitin ang mga nasa kabilang jeep. Now you’re having fun.
  7. Kung isang lalaki ka, ligawan mo ang katabi mong babae. Ang catch — kelangan mong mapasagot sya bago sumapit ng Bauan. Wag gagawin sa katabing babae na may malalapad at saggy na braso, baka may asawa na.
  8. Bilangin ang taghiyawat ng katapat na pasahero. Kung walang katapat, makiusap sa katabi kung pedeng lumipat ng upuan para makatapat lang sya. Wag magpapahalata na binibilang mo ang tigidong nya. Gumamit ng papel at bolpen kung di na kayang memoryahin ang pagbilang dahil sa sobrang dami. Maging extra-discreet. Huwag magpinpoint sa kayang pagmumukha habang nagbibilang. Delicadeza teh.
  9. Tumingin sa katabi sa kanan. Kung may pinagdadaanan ka, ilabas lahat ito sa iyong katabi mo lalo na kung broken ka. Kahit ayaw nyang makinig, tuloy-tuloy lang. Kahit mukang wala talagang pakialam. Paminsan-minsan ay kulbitin mo baka sa bandang huli ay magiging interesado din. Malaki ang maitutulong nito sa iyong well-being — ang mailabas ang problema mo sa isang taong nananahimik sa kanyang buhay.
  10. Tumingin sa katabi mo sa kaliwa. Ikwento sa kanya ang buong buhay mo. Lahat-lahat! Sa bandang huli, sabihin sa kanya na baka may dahilan kun bakit kayo pinagtagpo sa loob ng natrapik na jeep. Parang serendipity ba? Sabay kindat at ngiti na parang psychotic. Hayaan syang matakot at magpanic. Huwag tigilan ang pag-umis sa kanya hanggang sa makababa ng jeep ang isa sa inyo. Hindi ka nya makakalimutan sa tanang buhay nya. Kasi minsan, may nakatabi siyang luko sa dyip. Sikat ka na sa mga friends nya.
  11. Tumingin sa katapat mo. Huntahin mo sya tungkol sa bwakananginang lablayp mo simula sa pers lab mo nung kinder hanggang sa huling masaklap na lab story mo. Tingnan kung makakarelate sya sa palpak mong lablayp. Mas maganda kung mapapaiyak mo sya at mapaakap sayu. Success yun. Uwo, kahit lalaki ang katabi mo. Maiba naman. Uso yan now, you know… LGBT hehe…
  12. Ikwento sa katabi ang buong kwento ng sineng Titanic. O kaya naman ay ang buong pitong kwento ng The Fast and the Furious saga. Depende na din sa edad ng katabi mo. Pag natapos mo nang ikwento, sabihin mo na hindi ka nila fan sa tunay na buhay. Trip mo lang magstory-telling sa dyip dahil bagut na bagot ka na!
  13. Yayain ang mga kapwa pasahero na magkaroon kayo ng isang masinsinang pagpupulong o conference meeting kung paano masosolusyunan ang nakakaiyamot na trapik. Lumupage kayo sa sahig ng jeep na parang may isang round-table talk. Maghain ng mga konkretong solusyon sa tinamaan ng pigsang damuhong trapik. Balakin na magset ng appointment sa munisipyo para maiparating kay Mayor ang isyu. Wag problemahin kun paano kayu makakakuha ng appointment kay Mayor dahil pag nakauwi na kayo e pare-pareho na ulit kayung walang pakialam sa trapik. Pag ntrapik nalang ulit mangungunsume.
  14. Kung may malapit na tindahang mabibilhan, magpakape ka sa loob ng jeep at maghuntahan habang nahigop ng kape. Kape laang ng kape. Isipin nyo na laang nasa Starbaks kayo, sira laang ang aircon.
  15. Kung ayaw ng kape ay bumili na laang ng yelo, disposable cups, chichirya at isang litrong empelayts. Magbarikan kayo sa loob ng jeep. Kapag lakas-tama na kayo ay hamunin ang mga kainuman sa isang karera ng takbuhan pa-Bauan.
  16. Magkaroon ng isang talent competition sa loob ng jeep. I-showcase ang kanya-kanyang talento sa mga kapwa pasahero. Pakapalan nalang ng mukha, malabo din namang magkasabay-sabay ulit kayo sa jeep. Kumbinsihin ang drayber na gawing premyo ang inyong mga ipinamasahe sa kanya.
  17. Magdaydream na nasa isang white sand beach ka tas mangasul-ngasul ang dagat. Dumapa sa aisle ng jeep at gumalaw na parang naglalangoy. Languyin mo hanggang Bauan. Pag may nagreact at tumingin sayo na parang sira-ulo ka, pakyuhan mo tas sabihan mo na walang pakialaman ng trip. Pahanapin mo sya ng sarili nyang imaginary beach. Ituloy ang paglalangoy gamit ang iba’t-ibang swimming strokes from freestyle to butterfly.
  18. Bumaba ng jeep at lumipat sa kabilang jeep. Magsabi muna sa drayber na babalik ka din pag naandar na ang trapik. Makipagkaibigan sa mga pasahero ng kabilang jeep at ikwento mo ulit ang istorya ng pitong sine ng The Fast and the Furious (at again, hindi ka fan ni Paul Walker o Vin Diesel). Bumalik sa orihinal na jeep na sinasakyan kapag nakita mong himalang gumagalaw na ang trapik. Magpaalam ng maayos sa mga newfound friends bago bumalik sa inyong jeep.
  19. Kung may pagka-religious ka at galit ka sa immorality ng sangkatauhan, pagkakataon mo na ito. Magbaon ng Bibliya at magpreach sa loob ng jeep. Isampal sa pagmumukha nila ang kanilang pagka-makasalanan (na ikabubulid ng kanilang mga hamak na kaluluwa sa dagat-dagatang apoy when zombie apolcalypse comes). Humingi ng abuloy o donations matapos mo silang basahan ng mga verses. Nakapag-enlighten kana ng mga kaluluwang naligaw, nagkaextra-income kapa.
  20. Lastly, bumaba ng jeep at sabayan ito ng paglalakad hanggang sa makarating ka sa iyong patutunguhan. Taimtim na awitin ang kantang “Hindi Kita Malilimutan” habang naglalakad.

Ang artikulong areh ay isinulat habang hurindat sa trapik ang manunulat. Nasiraan na halos ng ulo sa tindi ng trapik kaya walwal na din ang pagkakasulat. Pasensya na ho kayo.

Kung may mga gusto kayong idadagdag sa ating listahan ay feel free na magcomment sa ibaba  ng post na ito. Pede ring i-share sa mga kakilalang kaibigan na regular na nadaan sa hampaslupang daang ito.

Maging UPDATED sa mga latest trending news and viral stories, CLICK HERE!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0
15 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *