LIKE US ON FACEBOOK160K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

Food Poisoning Incident Sa Batangas City, Sangkot Diumano Ang Isang Sikat Na Fast Food Restaurant!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Food poisoning, sa Batangas naman?

Nareng Sabado laang pala ay pinagsusugor daw sa magkakahiwalay na ospital ang mga estudyante ng Batangas State University dahil sa diumano’y food poisoning.

Naliyo, nagkangsusuka at lumiyok ang tiyan ng dalwampu’t isang (21) studyante ng College of Accountancy, Business, Economics and International Hospitality Management ng BSU matapos lantakan ang inihandang pagkain sa isang acquaintance party na ginanap sa Coliseum (Batangas City Sports Coliseum).

food poisoning batangas
Image from pixabay.com

Ang siste, sa isang sikat na fast food restaurant pala inorder areng kinaing ispagiteh at pritong manok ng mga estudyante. Nalintikan na! Isang sikat na pizza and pasta fast food chain restaurant, to be specific…

Ngunit…

Hindi inaalis ng mga otoridad ang posibilidad na baka sa mga food stalls sa labas ng venue bumili ang ilang estudyanteng biktima at ito ang nakapagdulot ng poisoning.

Samantala, sabay-sabaw na isinugod sa magkakahiwalay na ospital ng Batangas Medical Center, St. Patrick Hospital, St. Camilius Hospital and Golden Gate General Hospital ang mga BSU students na na-diagnose ng gastroenteritis at dehydration sa insidente. Wala naman daw kritikal ang lagay at ang ilan nga ay agad ding ni-discharged pagkatapos mabigyan ng pangunahing lunas.

food poisoning batangas bsu
Screengrab from pinoyexchange.com

Sasagutin naman daw ng insurance ng BSU ang mga ginastos sa pagpapagamot ng mga estudyante.

Tunay kang sunod-sunod na areng mga kaso ng food poisoning sa bansa na nagsimula sa Davao (yata) nung maospital ang mga bata matapos ngalutin ang durian candies, tas mayroon pang macapuno kendi sa QC, tas ngayon ay isa pang sikat na fastfood chain ang naiinvolve dine naman sa atin sa Batangas.

Sa lagay na are’y parang wala na tayong ligtas na makakainan! Magkanya-kanyang luto na laang kaya tayo? Ha-ha

Source: Philippine Star, Abante

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *