LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

KABATANG FEATURE: Bakit Patok Ang Unli-Rice Sa Mga Pilipino, Muling Balikan Ang Kaldero Boys

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook155Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Nanawagan nitong Miyerkules si Senator Cynthia Villar sa isang senate committee hearing  na ipagbawal na ang paghahain ng “Unli-rice” sa mga restawran sa bansa kaugnay ng pagtugon ng gobyerno sa rice self-sufficiency at ang polisiya ng gobyerno na mag-angkat ng bigas bilang solusyon sa kakapusan ng suplay.

Ayon sa senadora na siya ring chair ng Senate committee on Agriculture and Food, hinihikayat niya ang mga food establishments na hikayatin rin ang taumbayan na mas kumain ng gulay

BAKIT GA NGA PATOK ANG UNLI-RICE PROMO SA MGA PILIPINO?

“There’s something about the words “unlimited rice” or “rice-all-you-can” that taunt us. We may think that it’s just a harmless invitation, a nice gesture even, but no—it’s a form of trickery that restaurants employ to appeal to our competitive nature. It’s restaurant-speak for “Come at me, bro. We’ve got unlimited rice. You hungry enough?” So we go into their premises, thinking we’ve got them owned, but never go beyond four or five servings of rice anyway.”-pepper.ph

Tila naging bahagi na sa buhay ng mga Pilipino ang “unli rice” at “rice-all-you-can” promos na isa na yata sa pinakamatagumpay na marketing strategy ng mga restawran dine sa Pilipinas na talaga namang tumatak sa masa. Sino ga nga namang hindi mapapakagat sa ideya na, “Sulit na sulit ang kain kapag unlimited ang kanin at nasa murang halaga pa.” Ngunit kailangan isaalang-alang na masarap din dapat ang pang-ulam.

Unang pumatok sa merkado ang pagkakaroon ng mga “value meals” sa mga kainan na ang presyo ay nasa 50PHP-100Php na may servings na isang cup ng kanin, isang ulam, at isang baso ng iced tea o bote ng softdrinks na ang reaksyon ng karamihan pagkatapos kumain ay, “Ok naman busog, nakaraos, umabot naman sa bituka kahit paano.hahaa!”

Nauso rin ang mga “Eat-all-you-can” promos na mual ka na sa kanin, sawa ka pa sa ulam. Ngunit ang presyo naman ay tila mas mahal na nasa 350PHP-450PHP ang halaga sa isang kain.

Meron ring “bottomless iced tea” na swak na swak lalo na kapag tag-init. Ay tuo namang di ka maiigahan eh kabatang!

Hanggang sa mauso na ang “unli-rice” na tila naging hamon ang dating sa masa. Kasi hinamon mo ang mga kabarkada na magpadamihan kayo ng cups ng rice na nakain. Sa kumpulan, ikaw ang bangka sa kwentuhan dahil ipinangigil mo na mas marami kang cups ng kanin na kinain, na para bang athletic achievement yun.

Athletic achievement kasi dinaig mo yung anluwagi dahil “kaing karpintero” ka. Idol mo sila kasi mabigat ang tarbaho nila kaya naman pakiramdam mo napapantayan mo ang sipag na ginagawa nila dahil nakaubos ka ng maraming kanin. Kahit ang tarbaho mo lang naman ay magbilang ng index card sa opisina.hahaa

Noon pa man naging sukatan na para sa mga Pilipino ang dami ng nakain mong kanin kung gaano ka kagutom. Kung napataob mo ba ang kaldero at ilang bandehadong kanin ang nagawa mong maubos.

Nitong nagdaang taon ay nag-viral ang video ng magkakabarkada na kumain sa Jollibee Bauan na may dalang kaldero ng kanin. Kung mawala man ang unli rice promo sa mga kainan pakiwari ko’y hahanap ng hahanap ng solusyon ang mga Pilipino.

Muli nating panoorin ang video.

Update: Binawi na ni Senator Villar na hindi umano niya itinutulak na maging batas ang pagbabawal ng unli-rice promos sa Pilipinas. Ito umano ay payo lamang niya para mabigyan ng pansin din ang kahalagahan ng kalusugan ng mga Pilipino na kumain ng gulay at kaugnay na rin sa mataas na kaso ng Diabetes sa ating bansa.

Ikaw ga kabatang? Naka-ilang cups of rice ang kinaya mong lantakan sa Mang Inasal?! Share mo yaan.

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook155Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *