LIKE US ON FACEBOOK160K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

Corcolon Lomi House (San Jose): Areh Na Kaya Ang Da Best Lomi In Batangas?

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Likas na sa ating mga Batanguenyo ang katakawan pag lomi ang lalantakan. Tayo yaong mga tipong laging lisaw ang mata pag maghahanap ng mga bagong lomian na makakainan. Lalo na kung may sasakyan ay talagang lilitar at lilitar kahit malayo. Basta may malantakan laang na masarap na lomi. Yuong ika nga’y da best lomi Batangas-style!

Corcolon San Jose: Areh na Kaya Ang Da Best Lomi In Batangas?

At isa na sa mga pinaguusapang maigi, dinadayo ngay on at ang sabi’y nagtatrapik daw sa kabukiran ng San Jose dahil sa dami ng nakain na de-sasakyan, ay ang Corcolon Lomi House sa Pinagtung-ulan, San Jose, Batangas. Isang hapon, ay dinayo namin ang Corcolon Lomi House at areh ang aming nadatnan sa San Jose:

Areh ang signboard ng Corcolon. Buti na laang at may signboard ang mga areh sa labas ng kanilang lomian. Kaya madali naming nakita.

corcolon lomi house signage

Mula Batangas City ay nagtanung-tanong kami sa mga taga-San Jose kung saan ang Barangay Balagtasin. Duon daw ang daan papuntang Corcolon na nasa Barangay Pinagtung-ulan o P. Ulan (San Jose). Awa ng Dios ay natunton namin ang lugar — bago sumapit ng Valentino Resort (na nasa P. Ulan din). Yun na ang pinaka-landmark ng lomiang areh. Kung galing bayan ng San Jose ay nasa bandang kanan areh ng karsada. Pag galing Pinagtung-ulan (o kaya’y Lipa o Cuenca) ay sa bandang kaliwa nakatulay ang poste ng signage na areh.

Simple laang ang set-up nareh. Ordinaryong lomian. Pero wag ka…corcolon lomi house setup

Areh ang mga pideng orderin, nakadampal sa pader. Sikat daw ang double toppings dine. Kaya naman, iyon ang inorder namin…corcolon lomi houes menu

Dine tayo oorder sa maliit na bintanang areh. Nadine din ang softdrinks at kung anu-ano pa…corcolon lomi house order

Kaunting intayan laang sa iyong inorder tulad din ng sa ibang ordinaryong lomian… Makalipas ang ilang minuto, areh ang inihayin sa amin. Double toppings!corcolon lomi house servings

Yung puting tagayan (mangkok o bowl) ay regular plus double toppings. Ang tagayang may guhit-guhit na asul ay ang big ng mga areh, plus double toppings.

 

Areh ang aking nilantakan. Regular lomi, may add on na double toppings (pahidi ang laway at natulo)…corcolon lomi house picture

 

Nilantakan ko ang aking inorder na lomi at areh ang aking masasabi…

Tunay kang nakakangimay ang dami ng toppings nareh. Dapat ay may higup-higop kang softdrinks (may Mountain Dew sila duon) habang nakain dahil nakakaumay ang isam bunton ng karneng itinoppings sa lomi. Sa pagkakaalam namin areng toppings na areh ay pinalutong at sinangkutsang liempo na ginayat-gayat at sinamahan pa ng dinurog na chicharon. May mga atay-atay din at bula-bola na nasa ilalim ng lomi na nagsisilbing pantanggal-umay habang nilalantakan mo ang lomi ng Corcolon. Mas masarap sana kung may itlog ng pugo at kikiam din na lahok areng loming areh.

Sulit Ga Sa Corcolon Lomi House (San Jose, Batangas)???

At kung huhusgahan natin ang awesomeness level nareng Corcolon Lomi House, ay areh:

Malasa ang lomi ng Corcolon. Sabihin nating nakakaangat sa mga ordinaryong lomian. Pero hindi ko masasabing da best lomi in Batangas. Subalit, kung kakaibang lomi ang hanap mo Kabayan at masarap din naman sa panlasa, ay inirerekomenda kong dayuhin mo ang lugar na areh sa San Jose.

Ang aking tagubilin laang sa iyo Kabayan ay:

Kapag sanay ka sa jumbo order ng lomi ay “Big” laang ang orderin mo dine. At pag sanay ka sa big order ng lomi, ay “Regular” laang ang orderin mo dine. Bakit? Baka ika’y mabaguhan sa lomi ng Corcolon dahil sa dami ng inilalagay na toppings ng mga areh.

Sa kasamaang palad ay nabigla nga kami sa servings ng Corcolon. Hindi namin naitaob ang aming mga inorder. Subalit kami ay pawang mga nabusog. Hindi na nakapaghapunan. 🙂

Babalik at maglolomi paga ako dine sa Corcolon?

Ay sadyang babalik ako dine. Kaso nga laang ay makalwahang linggo (dahil ako’y maumayin, he-he). Highly recommended sa mga hardcore lomi hunters! At yung mga damuhong malalakas maglomi! Ha-ha!

Ikaw ga? Nag-Corcolon ka na din ga? Mag-comment ka naman para malaman nila kung anung experience mo sa Corcolon Lomi House! At wag kalimutang i-share ang article na areh, Kabayan!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0
26 Comments

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *