Sikreto Sa Pagpapa-Lutong At Pagpapa-Busa Ng Chicharong Baboy (Batangas-Style)…

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook1.2kShare on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Chicharong Baboy Batangas-Style

Ang chicharong baboy ng Batangas ay kalimitang tinatawag ding “pupor” o satcharon/satsaron (kung bigkasin) ng mga Batanguenyo. Ito’y napakasarap i-ulam sa bahaw na sinabawan ng mainit na kape. Kalimitang inilalagay din ito sa lomi, sa ginisang balatong (munggo) at pakbet.

Madaming mga walang-kasaysayang payo kung paano magpa-busa ng chicharong baboy, o yung pinakamalutong na prito nito. Kami ho ay nagtanong-tanong sa mga mahilig sa satcharon o chicharong baboy at kanilang ibinahagi sa amin ang sikreto ng malutong at namamalikutsang chicharong Batangas. Ito ho ang aming natutunan sa mga magmamasarap na aming nakapulong:

  1. Ihalbos ang taba at balat ng baboy sa isang kasirulang tubig sa loob ng 1 oras. Timplahan ito ng Magicsarap at kaunting paminta. Dipinde sa iyong panlasa sa alat kung gaano kadaming Magicsarap ang ilalagay. Kung hindi mahilig sa Magicsarap ay asin na laang ang gamitin. Subukan ninyo ang kalhating kilong karne at isang sachet ng Magicsarap ng magkaige.
  2. Palamigin at gayatin sa gustong laki ng chicharon.
  3.  Ilagay sa ref sa loob ng 6-10 oras. Effort po tayo dine, para mas masarap ang kalalabasan ng ating chicharon.
  4. Magpainit ng mantika at iprito ng bahagya ang karneng pinalamig sa ref. Papulahin laang ito ng kaunti at hanguin kaagad.
  5. Palamigin ang bahagyang napritong chicharon. Mas maganda kung palalamigin sa ref matapos mahanginan.
  6. Sangkutchahin ulit ang malamig  na chicharon sa kumukulong mantika hanggang sa bumusa. Waligwigan ng tubig paminsan-minsan para sa mas mainam na pagbusa. Pinakamaiksi na ang 10 minuto.
  7. Tantyahin ang pagkaluto nito. Wag masyadong pakaka-lutuin at papakla ang lasa ng chicharon.

chicharon baboy

Mainam na maging maingat sa pagpiprito ng chicharon dahil magaling manalsik ang napakainit na mantika sa nilulutong halbos na karne. Matapos mapalutong ang chicharon ay hanguin agad ito at ihayin na may sawsawang suka na tinimplahan ng paminta, bawang, sibuyas, kaunting asin at asukal at sandamukal na siling labuyo. Lantakan habang mainit at malutong pa.

Ayos din ang paraang ito sa pagpapalutong ng litsong kawali, chicharong bulaklak, bagnet (ng mga Ilokano) at crispy pata.

At kung ikaw ay may kapangkalang taglay sa katawan para gawin lahat areng nabanggit at ang gusto ay instant na mabibili mula sa maayos na mga kainan sa Batangas City, ay mag-F. Baylosis House of Crispy Pata and Chicken ka na laang…  😀

*F. BAYLOSIS HOUSE OF CRISPY PATA AND CHICKEN is the famous Batanguenyo “Pride Of Batangas” restaurant located at G.C. Berberabe Subdivision, Pallocan West, Batangas City. Their other restaurants are located in Bauan and Lipa City. For Lipa City, contact 0916-697-9488 and 043-702-7919 in Barangay Sabang, Lipa City. In Bauan, contact 043-706-2088, 0932-491-9878, 0920-545-5774 and 0916-585-6950, in Barangay Balayong, Bauan, Batangas. They also provide catering services for your special occassion like birthdays, weddings, seminars, meetings and other corporate affairs.

This is a sponsored post by F. Baylosis House of Crispy Pata and Chicken.

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook1.2kShare on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *