Best Motel In Batangas City Para Sa Mga Couples, Saan Nga Ga???

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook285Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Saan Ang Pinaka-OK Na Motel in Batangas City

Kaunting araw na laang at Valentines Day na. Nagkalat na naman sa bayan ang magtitinda ng mga rosas at mga lobong pang-Valentines. Ang mga mall at mga department stores ay tiba-tiba na naman sa kaperahan ng mga estudyanteng di magkamayaw na mabigyan ng magandang Valentine’s Day ang kanilang mga syota. At sempre para sa mga couples tulad ng mga mag-asawa, magka-livein at yung mga kakasalin na!

Subalit, sa halip na pagpulungan natin ang mga garneng matam-is na bagay-bagay tungkol sa Valentayms, ay duon naman tayo sa mga masarapang huntahan na gustong-gusto ng mga barakong Batanguinyo. Usapang “check-in” tayo mga Kabatang. Saan nga ga makikita ang pinaka-mainam na motel in Batangas City?

Paalala: Ang post na ito ay hindi nararapat basahin ng mga batang walang muwang at tangahin pa sa larangan ng sex education, mga “Bagito” at menor de edad. Pati na rin ang mga conservative lalung-lalo na ang makikitid ang utak. Ito po ay both for informational and entertainment purposes only.

semi-explicit

Simulan natin ang pag-mamasarap sa bandang Concepcion, Batangas City. Ipagpalagay na nating taga-San Jose ang ating tsiks, bagong sundo mo at bagong-ligo. Nadiyan ang sikat at classic nang Midway Motorist’s Lodge. Makalampas laang areh ng tulay ng Concepcion sa bandang kanan. Pag nasa bandang Eternal Concepcion kana ay lampas kana utoy.

Ang sunod naman ay ang Soro-soro Karsada area na namumutiktik ang mga bahay-masarapan. Kung pansin mong maigi doon ang main opis ng Juan Carlo The Caterer, ay nasa tabi laang nito ang El Richland Travel Lodge. Makalampas naman ng Shell Soro-soro ay ang El Flamingo Travel Lodge. At dire-direcho laang kahilera ng Flamingo ay magkasunod mong madadaanan ang magkapatid na motel/hotel na Emperor’s Inn at ang Empress Garden Hotel (na parang motel din). At palusong naman bago magkurba pa-Balagtas, makalampas ng kanto ng SIDCI ay ang City Star Trave Lodge.

Pagdating mo ng Balagtas ay may dalwang option ka — kung kakanan ka padiversion o didirecho pabayan. Pero kung padiversion ka, bago sumapit ng Batangas City Grand Terminal ay ang kantuhan ng pa-Banaba sa kanan. Nagkalat din ang mga motel duon tulad ng Park Inn at Innland, pideh rin sa Classic Pan Oriental. Medyo tago kasi kaya puntahin din. Sa treehouse ang pagkakaalam ko’y pideh na rin dahil meron na silang resort na may available rooms. Kung hindi ka naman magdadiversion at pabayan ka, ay pihong magagawi ka sa sikat na red-light district ng Batangas City, ang kung tawagin ay “Balagtas” obviously dahil nasa Brgy. Balagtas. Dito ay kumpul-kumpol din ang mga bahay-masarapan. Pero ang alam ko laang dine ay SM Travelodge, pero sunod-sunod naman duon ang mga motel dahil malapit ito sa sabungan (at kapag malapit sa sabungan, ay alam na kung anung madami). Pansin ko ho ang mga motel dito pag galing akong Rosario, sakay ng Supreme.

Sa Kumintang ay may alam akong dalwa. Isa ay ang sikat na D’Mariner’s Inn sa Don Ramos Road, bandang kaliwa-papasok kapag papunta ka ng SM. Ang isa naman ay ang Gerason Pension House duon sa palusong galing Lyceum sa tinatawag na North, halos katapat na ng Ferry.

Sa bayan naman ay madami din. Nadiyan na ang dalwang branch ng Avenue na matatagpuan sa kantuhan ng Calero likod ng BANAHIS, at ang isa ay nasa Rizal Avenue sa medyo bandang likuran ng St. Patrick’s, katapat ng paradahan ng mga dyip na pabukid (Sico, Tulo, Bilogo, etc..). Mula sa Avenue (Rizal Ave) ay tanaw mo nadin ang mataas na building ng Makro Lodge, bandang likuran din ito ng St. Patrick’s, kahilera laang din sa kalyeng iyon. At makalampas laang ng Makro papuntang Divine Child Academy ay makikita mo sa kanan ang Yellow Bell Inn.

Sa bandang Cuta naman ay hindi rin mawawalan ng mga garneng rooms tulad ng Korakia Inn at Dreaming Forest na magkatabi laang. Kapag galing ka ng Bagong Palingke o Cuta ay makikita mo ang mga motel na ito sa kanan bago sumapit ng Arrieta/De las Alas o BSU main campus. Mayroon pang isang chipipay na motel sa Cuta, malapit laang sa kanto ng LIMA (Lyceum Maritime), Bay Lodge yata ang pangalan nuon.

Sa Sta. Clara ay Come Inn laang ang alam ko. Kapag galing bayan ay nasa bandang kaliwa bago sumapit ng Barangay Hall ng Sta. Clara.

Sa Libjo ang alam ko laang ay ang Dreaming Forest na tagung-tago, na ang daan ay sa kanto sa tabi ng talipapa sa Libjo Central, yun papuntang Conde/Dumuclay.

Samantala, makalampas naman ng Pontefino at Stonyhurst, ay ang Monte Victoire Inn. Sa Sampaga naman ay mayroon din, bago sumapit ng barangay Tulo. Nakalimutan ko laang ang pangalan at hindi ko rin makita sa Internet.

best motel in batangas city

Best Motel In Batangas City

Nasa P150-P350 ang mga rates ng mga lugar na nabanggit, pero mas lyamado ka kung mayruon ka kahit 500 para may pang-mineral water man lang kayung dalwa pagkatapos. Mayroong may malinis na room at bedsheet, pati nadin electric fan at aircon depende sa bayad. Pagmahal ng renta ay mas pag-sulit ng experience para sa inyo ng iyong partner. Pag tinipid mo ang ang partner mo ay agwanta na laang sa madumi at de-bentilador na kwarto na may mga mantsahin pang kumot at bedsheet. Ayon sa ating mga manyakol na kaibigan ay pinakamainam na daw sa Emperor, Empress, Flamingo , Mariners at Makro. Pero kung ang gusto mo ay medyo tagong lugar, ang pinakamainam na ay ang Dreaming Forest sa Libjo, ang biglang-liko sa Banaba, ang secured na lugar sa bayan na Yellow Bell, dun sa LIMA at yung motel sa Sampaga.

Also READ: MOST Affordable Catering Services In Batangas City

Babala nga ho pala sa mga residenteng nakatira malapit sa mga lugar na nabanggit. Bukas ho ay inaasahang magkakaroon ng slight to medium-intensity earthquake sa inyong mga lugar. Inuulit ko, may mararanasan kayong bahagyang paglindol! Makakaramdam po kayo ng mga bahagyang pagyanig ng lupa (kasabay ng mga impit na halinghing) mga bandang alas-singko ng hapon, hanggang madaling araw napo ito. Kung hindi nyo agad na-gets (either slow o conservative kayo) ay dahil ho ito ang kasagsagan ng pagdagsa ng mga mag-syota i.e. couples sa mga  motel bilang finale ng kanilang Valentine’s Day celebration.

At babala din sa mga mag-syota at couples na nagbabalak-balak. Mas mainam kung magpapa-reserve na kayo sa mga lugar na ito dahil kalimitang jam-packed at fully-booked ang mga motel sa mismong Valentine’s Day. Or else baka sa sagingan kayo pulutin.  😀

Gayunpaman, ang mga lugar hong ito ay napansin ko laang, nadaanan at napag-usapan laang. Hindi dahil madami akong alam na motel ay parukyano o suki na agad ako. Kataasan ay sa bahay laang ho ako lalo na kapag wala ang Inay.. 😀

Mag-ingat po lagi tayong lahat! Iwas-sakit, at iwas kalaboso mga Kabayan!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook285Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

One thought on “Best Motel In Batangas City Para Sa Mga Couples, Saan Nga Ga???

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *