LIKE US ON FACEBOOK160K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

BAUAN: Pulis-Agoncillo Patay Sa Ambush Sa Barangay Sinala

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Patay ang isang 41-anyos na pulis matapos tambangan ng mga hindi nakilalang mga lalaki sa Barangay Sinala, Bauan, Batangas.

Naganap ang pananambang nireng nagdaang Biyernes dakong 10:30 ng gabi.

Nagtamo ng tama sa dibdib at iba pang bahagi ng katawan ang biktimang kinilala ng pulisya bilang si PO3 Roman Bejer, 41 anyos, taga-Lemery, Batangas at nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Agoncillo.

Dahil sa mga tinamong tama ng bala ay dead on the spot ang biktima.

Ayon sa pahayag ng kapatid ng biktima, dumalaw laang umano sa kamag-anak nila sa Barangay San Vicente ang biktima lulan ng kanyang motorsiklo. Nang makarating na sa may barangay Sinala sa bayan ng Bauan dakong 10:30 ng gabi ay doon na ito tinambangan ng mga di nakilalang suspek.

Naniniwala naman ang mga kaanak ni Bejer sa posibilidad na may kaugnayan sa kanyang trabaho bilang pulis ang pagpaslang sa biktima. Ito ay sa kadahilanang marami na raw itong naarestong mga drug addict at drug pusher.

 

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng Philippine National Police para hulihin ang mga suspek sa pagpatay.

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *