BATANGAS: 3rd Batangan Pride March Parade Festival Para Sa LGBT Community, Isinagawa!!

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Bonggang-bongga ang balitang ito mga ateng!! Anet itey!?!

Muli kasing nagsagawa sa ikatlong taon (Oh di ba! Not once, twice, but thrice) ng Batangan Pride March Parade Festival dito sa ating lalawigan, from the beautiful province of Batangas, Philippines! Mabuhay!!!

Ang Batangan Pride March Parade Festival mga ateng, ay parada para sa LGBT (Lesbian-Gay-Bisexual-Transgender) Community sa lalawigan ng Batangas na isinagawa nitong nagdaang June 13, 2017 sa Provincial Auditorium dito syempre sa magandang lungsod ng Batangas.

Rumampa dito ang 25 LGBT Groups mula sa 24 na lungsod at bayan ng ating lalawiganin na sinimulan sa pamamagitan ng isang parada ng mga kalahok sa Provincial Capitol Grounds.

Photo Source: Sherwin Mulingtapang

Ayon sa beautiful Assistant Department Head ng Provincial Social Welfare and Development Office, na si Florita Lachica, ang pride march umano ay sadyang ginagawa internationally para kilalanin ang LGBT community. Ito ay isang paraan na rin para suportahan ang karapatan ng LGBT community.

Aniya,  ang lalawigan ng Batangas ay mayroon ng ordinansa para sa Anti-Discrimation against LGBT since birth of 2016 pa.

Kaalinsabay nito ang pagbubuo ng Provincial Alliance of LGBT, kung saan lahat ng samahan ay may kanya-kanyang kinatawan sa lalawigan. Ito ay para mapag-aralan kung paano pa mabibigyan ng tulong ang mga miyembro ng LGBT community.

Noon pa man ay kinikilala na rin umano ng sector ng kanilang tanggapan ang LGBT community katulad ng pagkilala sa senior citizens, persons with disabilities, womens organization at iba pa.

Sa naganap na pagdiriwang ay naging guest speaker si Atty. Kristine Jazz Tamayo, President ng Rainbow Rights Philippines na kilala bilang isa sa mga nagtataguyod ng karapatan ng mga miyembro ng LGBT community sa buong Philippines.

Naging paksa ni Atty Tamayo ang tungkol sa Sexual Orientation and Gender Identity (SOGI) kung saan binigyang diin niya ang pantay at tamang pagtrato sa LGBT community saan mang lugar, panahon o pagkakataon.

Matapos nito ay nanumpa na ang mga nahalal na miyembro ng Batangas Provincial LGBT Alliance na pinangungunahan ng Pangulo nito na si Eduardo Punzalan.

Lalong naging makulay naman ang pagdiriwang dahil sa isinagawang patimpalak na may ibat-ibang kategorya tulad ng Dalaga na si Utoy, Binata na si Ineng; Kasama pa riyan ang Best Muse and Escort para sa Local Costume; Best and Most Organizaed Delegates; Hair and Make Up Spectacular, Amazing Gay and Lesbian 2017; LGBT Pride March Idol 2017 at LGBT Pride March Dance Revolution 2017. (Article by: Lola Chica Source: Batangas PIA-Bhaby De castro)

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *