LIKE US ON FACEBOOK177K FOLLOWERS NA TAYONG NAKATANGHOR DINE KABATANG!!

BALETE: Napaslang Na Mayor Joven Hidalgo, Inilibing Na Nitong Father’s Day

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Inilibing na ang napaslang na ama ng bayan ng Balete, Batangas kahapon, sa mismong araw ng pagdiriwang ng Father’s day.

Isang misa ang inihandog para sa mga labi ni Balete Mayor Joven Hidalgo sa mismong covered court ng bayan. Ito rin ang mismong lugar kung saan siya nabaril ng mga di nakilalang suspek.

Noong June 10, habang nanonood ng basketball game bandang 10:00 ng umaga sa nabanggit na covered court ay binaril ng mga di nakilalang suspek ang mayor.

Kaagad na tumakas ang mga suspek sakay sa puting van na ipinarada sa may plasa. Nagawa pang pagatin ng pulisya ang mga suspek subalit sa kasamaang palad ay nakatakas ang mga ito.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy kung sino nga ba ang mga salarin sa naganap na pamamaril.

Si Mayor Hidalgo ay nasa ikatlo at huling termino na sana ng kanyang panunungkulan bilang punong bayan.

Suot ang damit na may nakasulat na “I Love Mayor Joven Hidalgo” ay nagpasalamat ang mga kaanak ng yumaong mayor sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya.

Isang pagbibigay-pugay naman ang isinagawa ng mga kinatawan ng Balete MPS sa pamamagitan ng gun salute para sa alkalde na dati ring miyembro ng kapulisan.(Source: Balete MPS)

Tweet about this on TwitterShare on Google+0Share on Facebook0Share on StumbleUpon0Pin on Pinterest0Share on LinkedIn0Share on Reddit0

Add a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *